^

PSN Showbiz

California Celebs

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Sa pag-ikot ikot namin sa California, (feeling turista!) dalawang celebrities sa kani-kanilang larangan ang nakilala namin. (para ‘di lang ako ang celeb ha!) Una ay ang artist na si Lila Gemellos. Kakain lang sana kami sa loob ng San Pedro Square sa Downtown San Jose, (thanks to our friend Tiffany Jones!) nang makita ko sa Lila sa isang pwesto at nagpipinta ng kanyang mga obra. Bilang mahilig ako sa artworks, nilapitan ko sya at chinika. (so sana ‘di ko sya inistorbo!)

Kilala si Lila sa San Jose maliban sa rito siya ipinanganak ay aktibo rin sya sa pagsulong ng sining sa lugar. Isa sya sa gumawa ng mga makikitang naglalakihang murals sa San Jose na nagpakulay sa mga tourist destinations. Hindi rin matatawaran ang kanyang mga obra na pwedeng gawing koleksyon at display sa sariling espasyo sa bahay o workplace. Kadalasang tema nya ay nature at mga interesting locations sa San Jose. (buy ako for support pero small lang! ‘di pwede bitbitin sa airport!)

“I got to paint something that I have been so fond of for so long. It’s super cyclical. I didn’t know I loved this city until I started to paint about it..” Pagbabahagi ni Lila (Love ko boys ng San Jose!)

Sumunod naman naming nakilala ay ang Filipino American Chef na si Francis Ang. (hello po koya!) Sa Amerika nag-aral ng Culinary Arts si Chef Francis. Nagtrabaho sila ng kanyang asawa na si Dian sa isang sikat na restaurant sa San Francisco. Nung magbakasyon sila sa Borongan Samar noong 2013, inabutan sila ng bagyong Yolanda at nakita ang kailangang tulong ng kanilang mga kababayan. Pagbalik ng US, nagsagawa sila ng fund raising activity sa pinagtatrabahuhang restaurant. Ito ang naging simula ng kanilang inspirasyon para magtayo ng sarili nilang negosyo. (may puhunan!)

2021 nang maitayo nila ang Abaca Restaurant sa San Francisco. Tumanggap agad ito ng papuri mula sa Esquire US bilang Best New Restaurant, the New York times bilang isa sa 50 Best Restaurants in America at James Beard Award bilang Semi-Finalist. (kulang na lang PMPC Star Awards!) Last year nabigyan naman ng Michelin Star ang Contemporary Filipino resto na ito. (may pa-sisig daw kasi!) Thank you my forever travel partner Bryan Talatala and our friend James Bermudo for bringing me here. (lakas maka-familia zaragaza ng set up!)

“Our mission has always been to be the one of best restaurants in San Francisco and promote Filipino cuisine globally. We are blessed with people who come here and enjoy our food. “ Paglalahad ni Chef Francis. (samahan kita minsan sa kusina bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

CALIFORNIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with