^

PSN Showbiz

Dennis, kinampihan si Jennylyn!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis, kinampihan si Jennylyn!
Jennylyn Mercado at Dennis Trillio.
STAR/ File

Kagaya noong 2025, kuwentong hiwalayan ang bumulaga. At ganundin ngayon sa 2026.

Hanggang ngayon, naging palaisipan ang lumabas na blind item, kahit wala namang nagkukumpirmang hiwalay na nga ang isang ‘royal couple.’

Kung sinu-sino na ang tinuturo, hanggang sa natisod tuloy naming mukhang true nga raw itong kumakalat na hiwalay na rin ang magagaling na direktor na sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone. Pero tuloy pa rin naman daw ang collaboration nila sa ilang projects.

Pero mas minabuti raw nilang maghiwalay na nung napagtanto nilang hindi na raw sila naggo-grow artistically.

Huwag naman sanang masundan ng mga kuwentong hiwalayan, kahit naiintriga na ang iba.

Ang bilis namang nag-react ni Dennis Trillo sa kumalat ding tsismis na hindi raw kasundo ni Jennylyn Mercado ang pamilya niya.

Kaagad na nag-post si Dennis sa kanyang social media account na sinundan din ng manager nilang si Becky Aguila.

Sabi ni Dennis, “Sa mga hindi po nakaka­kilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.”

Ipinakiusap pa ng aktor na huwag naman sanang idamay sa isyu ang magulang niyang tahimik lang at hindi naman sila sumasali sa buhay showbiz niya.

“Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi rin sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay – wag naman sana sila bigyan ng isyu,” sabi pa nito sa kanyang post.

Mas gusto nina Dennis na maging mabuti na lang sa kapwa at huwag nang isipin ang kanegahan.

“Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw-araw,” sabi pa nito.

Sa totoo lang, ang isa ngang naging kaibigan na ni Jennylyn ay si Carlene Aguilar na ina ng unang anak ni Dennis na si Calix.

Noon pa man ay puring-puri na ni Carlene kung paano alagaan ni Jennylyn at tumatayo ring ina ni Calix.

At naging close rin itong anak niya kay Jennylyn.

Kahit si Dennis ay sobrang alaga rin at tumatayong ama kay Jazz, ang anak naman ni Jennylyn kay Patrick Garcia.

Ipinost din nila kamakailan lang kung paano nila sinuportahan ang activity ni Calix sa school nito.

Aktor, laging may double  kahit tatalon lang!

Narinig kong pinag-usapan ng ilang grupo ng taga-showbiz ang guwapo at matikas na aktor na akala mo malakas at kayang-kaya ang action scenes na ginagawa niya.

Ang galing ng mga maaksyong eksenang ginagawa niya, pero lahat pala ‘yun ay double ang may gawa.

Naintindihan naman daw nila kung mag-double ito dahil nag-iingat lang.

Pero pati magagaan at madaling action scene, pinapagawa pa sa double.

Meron ngang tatalon lang sa isang malaking crate, pero hindi naman daw mataas. Sabi nga ng isang aktor, parang apple box lang daw, pero ipinagawa pa raw sa double. Meron daw kasing event kinabukasan, kaya baka maaksidente pa raw.

Kaya paano raw bumagay sa isang action movie o series kung lahat naman ay pinapagawa sa double?

Meron kasing gagawing mala­king action series itong si matikas na aktor, kaya napapag-usapan na naman ang kaartehan nito.

Very athletic naman daw si aktor, kaya kampante silang kaya nitong gawin ang mga maaaksyong eksenang pinapagawa sa kanya.

Ang dami naming kilalang aktor na hindi umaasa sa double ang pinapagawa sa kanila.

‘Yan ang susunod nating pag-usapan, dahil dapat naman talaga silang purihin kung gaano sila katotoo at dedicated sa trabaho nila bilang aktor.

 Willca, may awkwardness?!

Nasa Dubai pa rin ang ilang artistang nag-represent sa ilang pelikulang kalahok sa Konsyerto Para sa Filipino sa Dubai.

Kahapon ginanap ang meet and greet sa iba pang pelikulang ni-represent ng mga artistang nandun.

Pero talagang mas inaabangan doon ang tatlong bida ng Love You So Bad na sina Bianca de Vera, Will Ashley at Dustin Yu.

Kahit sa mga post sa social media ay marami ang nakapansing may awkwardness kina Will at Bianca.

Kaya naman todo support ang fans ni Will at siya lang ang ipino-post gamit ang hashtag na #WILLcometoMiddleEast.

Meron pang ibang hashtag, pero mas more on kay Will na lang, at hindi na nagagamit ang WillCa loveteam.

Trending din kasi ang hashtag na #DXBeyondLoveForDustBia, at napo-post pang nakunan silang magka-holding hands na tumatakbo sa isang mall doon sa Dubai.

COLLABORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with