^

PSN Showbiz

Bea At Andrea, nanguna sa Wish Upon a NUSTAR

Pilipino Star Ngayon
Bea At Andrea, nanguna sa Wish Upon a NUSTAR
Bea Alonzo
STAR / File

Sa buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Pilipino bilang isang premium entertainment platform.

Mula sa Red Charity Gala, hanggang sa MNL Fashion Week na nagtaas sa antas ng disenyong Filipino sa pandaigdigang entablado.

Mula naman sa The New Nocturnals kung saan ipinagdiriwang ang husay sa sining at sariling pagpapahayag, hanggang sa The Most Stylish Party at The Rolling Stone Philippines Hall of Fame kung saan binigyang pugay ang mga kilalang tao sa iba’t ibang larangan – ang NUSTAR Online ay patuloy na nagbigay pagpapahalaga sa mga kwento ng kahusayan at kadakilaan.

At sa nakalipas na Kapaskuhan, inilipat ng brand ang pokus nito sa pagtulong sa komunidad.

Inilunsad nila ang Wish Upon a NUSTAR, isang proyekto na ginawa para sa nakalipas na Kapaskuhan na idinisenyo para pakinggan at tuparin ang mga kahilingan ng mga Pilipino sa buong bansa.

Pinangunahan ang nasabing proyekto ng mga brand ambassadors na sina Andrea Brilliantes at Bea Alonzo na silang nagpatibay sa misyon ng platform na gawing tunay, makabuluhan ang mga resulta sa panahon nang pagbibigayan.

“Para sa amin sa Nustar Online, ang karangyaan ay hindi lamang binigyang kahulugan bilang mataas na karanasan kundi sa mabuting hangarin o layunin”, sabi ni Krizia Cortez, Direktor ng Public Relations ng NUSTAR Online.

“Ginawa namin ang proyektong ito para pakinggan at tumugon sa aming tagatangkililk sa kanilang mga kwento sa likod ng kanilang mga hiling, sa realidad na kanilang ikinabubuhay sa araw araw at matugunan ng may dignidad, aksyon at tunay na epekto,” dagdag niya.

Bahagi ng initiatibong ito, libu-libong manlalaro ang nagpadala nang kanilang mga personal na kahilingan, kung saan lima ang napili sa buong bansa.

Dalawa ang napili sa NCR na mula sa Valenzuela at Malabon at nakamit nila ang hiling na bisikleta at electric bicycle. Sa lalawigan ng Quezon, isang pamilya ang nakakuha ng tricycle bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

Sa Cebu, isang tatay ang nabigyan ng kalabaw para maipagpatuloy ang kanilang pangangailangan sa pagsasaka.

Samantalang isang taong humiling na galing sa General Santos City ay nagkamit ng isang bisikleta para alalayan ang kanyang pang-araw-araw na biyahe papasok sa trabaho.

Maaaring mapanood ang mga kwento ng mga mapalad na napili, paano at bakit ang mga kahilingang ito ay mahalaga sa kanila sa www.facebook.com/nustaronline.

NUSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with