Snooky, may kinabuwisitang leading man noon!

Isa si Snooky Serna sa mga pinakasikat na aktres sa Pilipinas noong dekada ‘80s. Sina Albert Martinez, Gabby Concepcion at Richard Gomez ay ilan lamang sa mga aktor na nakatambal noon ni Snooky. Ayon sa aktres ay mayroong pagkakataon noon na hindi niya gusto ang kanyang kaparehang aktor.
“’Yung mga love team natin noon, may guys ako na kasama noon na hindi ko naman feel. Hindi ko naman crush. I mean, parang hindi ako inspired to be love teamed with. Pero we would have to parang make sinungaling, pretend that we were in love with each other,” nakangiting kwento sa amin ni Snooky sa Fast Talk with Boy Abunda.
Aminado ang beteranang aktres na nahirapan noon sa shooting ng mga pelikula lalo pa’t wala ring gusto sa kanya ang katambal.
“Meron pa talagang we did not like each other at all. May gano’n, ang hirap. But I had to do it because it was part of my job. Pero ang hirap bordering on hate mo na nga. Inis na inis akong kasama,” pagtatapat niya.
Nagsimula bilang child actress si Snooky noong dekada ‘70s kaya limang dekada nang aktibo sa show business. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil patuloy pa rin siyang nabibigyan ng mga proyekto. Kabilang si Snooky sa House of Lies na pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Mike Tan at Martin del Rosario. Mapapanood ang bagong GMA Afternoon Prime series simula Jan. 19. Hindi na mahalaga para kay Snooky na maging bida sa isang proyekto.
“My personal opinion, I’ve gone past that na. It doesn’t matter if I am or if I’m not. The important thing maybe at this point in time is I get to do what is willed for me to do and I’m still here. And I enjoy myself doing it,” makahulugang pahayag ng beteranang aktres.
Dumating na rin sa puntong gustong talikuran ng aktres ang industriyang kanyang kinalakihan.
“Open naman ako about it. I went to a point in time na gusto ko nang mag-quit. Naisip ko rin pala ‘yung relevance ko. And parang nagkaroon ako ng child star syndrome. I thank God that I got over that,” kwento ng dating child star.
Samantala, maraming mga bagay umano ang natutunan ni Snooky mula sa nakaraang taon. Ayon sa aktres ay mayroong mga pangyayari na talagang nakapagpabago sa kanyang personal na buhay.
“Ako, Tito Boy, it was a learning experience for me. May mga ibang things that I would rather have not gone through but I had to go through. But everything was a good thing at the end of it all. It was a learning experience for me,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest




















