Loisa at Ronnie, excited sa anak!

Itinaon sa araw ng Pasko nina Loisa Andalio at mister niyang si Ronnie Alonte ang announcement ng first baby nila.
Nag-post nga sila ng isang reel video sa Instagram account na nagpapakita ng kanyang baby bump.
Kumpirmasyon nila ito sa matagal nang sinasabi na buntis nga ang actress bago pa sila ikasal.
“Baby Jesus, maraming maraming salamat sa pinakamalaking blessing na ipinagkaloob mo sa amin ni R2. You trusted us with a miracle we’ve been quietly holding close to our hearts,” umpisa ni Loisa.
Dagdag pa niya: “Ngayon lang kami nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal, isang pagmamahal na napakalalim para sa isang taong hindi pa namin nakikilala.”
Nagsulat din siya ng mensahe sa kanilang magiging baby. “To our little miracle, sobrang excited na kami na makilala ka. Ikaw ang aming panalangin na sinagot at ang regalong magbabago sa aming buhay ngayong Pasko,” ang kabuuan ng post ni Loisa.
Ini-repost ang nasabing video ng make-up artist na si RB Chanco at sinasabing hindi raw binalak ng mag-asawa na itago ang pagbubuntis.
“Congrats Mommy Loisa and Daddy R2. What a beautiful reveal this Christmas.
“They never really wanted to hide this. They just chose to keep something this precious to themselves for a while,” tila paliwanag na post ng make-up artist na talent manager din nila.
Maaalalang last Nov. 27 ay nag-post ang LoiNie ng kanilang wedding photos na ikinagulat ng marami pagkatapos ng isang linggo nang announcement ng kanilang engagement.
Kuya Kim, inalala ang huling Pasko ni Emman
Ang daming nalungkot sa post ni Kim Atienza.
Ipinakita nga niya sa social media ang aniya ay last Christmas nila sa anak na si Emman. “This was the last photo of all of us together last Christmas eve. How we miss you dearest Emmansky,” umpisa ng post ni Kuya Kim kasama pa ang anak na tinapos ang buhay sa Amerika.
“Thank you Jesus for being born to us amidst suffering and the grief. Thank you for the 19 years of Emman. We always trust your plan,” sabi pa niya.
“Thank you to all our friends for being with us at our darkest moment.
“Behold, the virgin shall conceive and bear a son, and they shall call his name Immanuel”– Matthew 1:23,” ang buong message ni Kuya Kim.
Malaking balita hanggang sa international news agencies ang pagpanaw ni Emman last Oct. 22 sa Sta. Monica, California dahil sa kanyang pagiging social media influencer.
- Latest





















