KC, ginawang playground ang ABS-CBN

Kamakailan ay bumisita si KC Concepcion sa bakuran ng ABS-CBN. Para sa aktres ay talagang malaking bahagi ng kanyang buhay ang Kapamilya network. “It’s so nice to be back. It is just really important to me to show you around the place where I also grew up. Marami akong naaalalang mga kwento sa lahat ng mga pader at sulok ng building na ito,” bungad ni KC sa kanyang YouTube channel.
Maraming naging programa ang dalaga sa ABS-CBN tulad ng ASAP, The Buzz at X Factor Philippines. Ayon kay KC ay taong 2018 nang huli siyang makapunta sa Kapamilya network.
“This is the first time I am walking in ABS-CBN after seven years. Imagine, dito na po ako lumaki. This is the building that made a lot of dreams come true. Always grateful to ABS-CBN for taking care of me and my mom, and our fans who come here to watch us live,” paglalahad ng anak ng Megastar.
Madalas na isinasama ng inang si Sharon Cuneta sa mga programa noong bata pa si KC. Masayang nagbalik-tanaw si KC noong kanyang kabataan tuwing pumupunta sa studio ng ABS-CBN.
“Ang dami kong memories dito sa building na ito. I think eight or seven years old pa lang ako, naka-roller skates ako dahil only child ako. Mommy ko single mom, nagtatrabaho, dinadala ako sa recording studio. Ginagawa ko dito roller skating. Ginawa kong playground ang hallway na ito. ABS-CBN has been in the service of the Filipino for so many years now and I guess once a Kapamilya always a Kapamilya at heart. Thank you, ABS-CBN, for all the dreams made come true and the lives you’ve changed. I will always love you and I will always remember you, main building,” pagtatapos ng aktres.
Jillian, natuto sa mga pinagdaanan
Bukod sa pagiging bida ay si Jillian Ward din ang kumanta ng official soundtrack ng teleseryeng Never Say Die. Ayon sa aktres ay talagang kaabang-abang ang bagong action series ng Kapuso network.
“More on inspirational and nakakagising din ‘yung song, tamang-tama siya for the show. Kasi puro action ‘yung eksena namin. So parang action with a purpose,” nakangiting pahayag ni Jillian sa 24 Oras.
Bilang paghahanda sa bagong serye ng GMA ay kabi-kabilang pag-eensayo ang ginawa ng dating child star. Puspusan na rin ang pagdalo ng dalaga sa singing at dance classes ngayon.
“Nagiging consistent na po ako sa pagda-dance class ko. Nagjo-jogging din ako para medyo maging mas stable ‘yung boses ko ‘pag kumakanta habang sumasayaw. Nag-start na ako mag-singing classes,” pagbabahagi ng nakilalang Star of the New Gen.
Para kay Jillian ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan dahil na rin sa mga nalampasang pagsubok sa buhay ngayong taon.
“Transformative, sobrang dami ko pong natutunan. Marami akong kailangang ma-overcome. But I feel like I needed that para talagang maging better person ako, better artist,” makahulugang pagtatapos ng Kapuso actress.
(Reports from JCC)
- Latest





















