Ralph, inaming very special si AZ

Espesyal ang turing ni Ralph de Leon kay AZ Martinez. Naging malapit sa isa’t isa sina Ralph at AZ nang maging housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition mahigit limang buwan na ang nakalilipas.
“Honestly, sa ‘kin, Tito Boy, very special talaga si AZ sa ‘kin. So, we’ve really built a deeper connection ever since no’ng paglabas ng bahay (ni Kuya). Even from the last time I was here, and through the course of that five months, I’ve gotten to know her very well and we’ve really spent a lot of time together, lalo na with sina Vince (Maristela), our circle, Vince, Kira (Balinger), Xy (Manabat), Josh (Ford). So it’s all good,” makahulugang pahayag ni Ralph.
Ayon sa binata ay talagang magkaibigan lamang sila ni AZ ngayon.
“We’re friends. If 10 is a relationship and 0 is like I don’t know you, I would say we’re like at a good 7, 8,” giit ng aktor.
Samantala, mainit na usapin ang tungkol sa green jokes na napag-usapan ng ilang kabataang housemates sa bagong edisyon ng PBB ngayon. Nagbigay ng opinyon si Ralph tungkol dito.
“Hindi lang po bilang ex-PBB housemate, bilang lalaki din po, nakakalungkot po talaga. I mean whether you’re living in the same house or in the same area with another woman, it shouldn’t be like that. Nakakalungkot siya because there should always be boundaries with what you say. There should always be that sort of respect that you have for other people. Kaya nakakalungkot talaga na nangyayari ‘yon,” paglalahad ng dating PBB housemate.
Kylie: ‘okay naman na tao si Aljur’
Dalawa ang naging anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Maayos umano ang relasyon ng dating mag-asawa bilang mga magulang nina Alas Joaquin at Axl Romeo.
“Ako ang 80%, siya 20% lang. co-parenting pa rin kami. What I mean to say is, sa akin ‘yung kids 80% of the time. Okay naman na tao si Aljur. Kami lang ‘yung nag-fail pero ‘yung relationship nila dapat solid pa rin ‘yun,” pahayag niKylie.
Mayroong pagkakataon na tinanong umano ng panganay na anak ang aktres kung bakit sila nagkahiwalay ni Aljur.
“May one time kasi nagtatanong si Alas, ‘Bakit kayo naghiwalay? Does papa not love you?’ Gano’n ‘yung tanong sa akin, ang liit-liit,” kwento ng Kapuso actress.
Nang magkahiwalay sina Kylie at Aljur ay nagkaroon naman ng tatlong anak ang aktor kay AJ Raval. Ayon kay Kylie ay maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni AJ.
“Super welcoming niya sa mga anak ko. Kasi nga nanay din siya, ‘di ba? Naririnig ko nga na lagi silang nagyayakapan, naglalambingan din. Eh gusto ko ‘yun kasi the more love that my kids can get from people who love them authentically, go,” pagbabahagi ng aktres.
Mapapanood ang buong panayam ni Kylie mamayang gabi sa YouLOL YouTube channel.
(Reports from JCC)
- Latest


























