Donna, nilinaw na wala siyang sakit

Matapos pag-usapan ang sobrang kapayatan ni Donna Cruz, nag-post ang official fan page niya at sinabing wala talagang sakit ang dating singer/actress.
May ilan kasing nagduda na baka may malala itong sakit dahill nga sobrang payat sa huling post kasama ang kanyang mister.
Pero sabi nito sa official fan page niya, nasa anggulo na ‘yun.
“Hi everyone! Napa-share lang po ulit ng photos sa kagabi kasi may mga nagworry po na sobra payat daw ako. I think sa anggulo lang po ng kuha kagabi tapos maluwag yung style ng blouse. Wala po akong sakit, wag po kayo mag-alala pero thank you din po sa concern Palagi lang ako tumatakbo sa treadmill sa bahay kasi yun ang exercise namin ni Yong (my husband). Nag-iingat din talaga sa kinakain then exercise kasi important po talaga to live a healthy lifestyle lalo na as we get older.
“Have a wonderful Sunday everyone! Ingat po palagi! God bless you all!
always,
“Donna.”
Isyu rin naman ‘pag mataba, at isyu rin ‘pag payat.
Matagal nang namamahinga sa showbiz si Donna kung saan isa sa pinakamayaman at sikat sa Cebu ang kanyang mister na si Doc Yong Larrazabal.
- Latest



















