KC: ‘I’m ready to share my life with someone’

Kahit hindi aktibo sa show business ngayon ay wala namang balak na talikuran ni KC Concepcion ang industriyang kanyang kinalakihan. “Of course not, dito na po ako lumaki. Maganda rin po ‘yung feeling na kapag bumabalik ako parang home. Sabi po nila, ‘Once an artista, always an artista.’ So, I believe it now,” nakangiting pahayag sa amin ni KC sa Fast Talk with Boy Abunda.
Pitong taon na ang nakalilipas nang tumigil ang dalaga sa pagtatrabaho sa harap ng kamera. Nakaapekto umano kay KC ang pagkamatay ng lolang si Elaine Cuneta kaya nagpasyang pansamantalang talikuran ang showbiz. “Medyo naghanap ako ng privacy po. It was a long time pero kasama po do’n ‘yung 2020 (pandemic). Hindi ko inakalang magtatagal pa ng another three years. I think it’s the right time and nagbalik ako. May nabasa po akong libro, Secrets of the Millionaire Mind. It says there, your thoughts turn into feelings, and your feelings turn into actions, and actions turn into results. So, kung thoughts mo nagiging negative na, gano’n na rin ang magiging feelings mo. Gano’n na rin ang magiging actions mo, gano’n na rin ang magiging resulta ng choices mo sa buhay. So, there was a time na parang wala na akong ligayang nakukuha. Siguro no’ng time na ‘yon, nawala din ‘yung lola ko, si Mita Elaine.
“Then nag-cope talaga ‘yung buong family, siya kasi ‘yung number one na nasa audience, and pinaka-last na umaalis ng auditorium, ng studio. So may time na talagang nag-grieve po ako sa lola ko. Ang next ko po no’n na hosting was Binibining Pilipinas, after po no’ng year na nanalo si Pia Wurtzbach. Sobrang naapektuhan po ako no’ng nakita ko ang audience, wala na po si Mita Elaine do’n. Siya ‘yung unang-unang pinaka-excited manood lalo kapag mga beauty queen, beauty contest and ako po ‘yung host. So when I saw na wala siya do’n, grabe ‘yung pakiramdam, iba po, hindi ko in-expect. And after po no’n parang humihina po ‘yung katawan ko. So nag-rest po ako because of that,” pagdedetalye ng dalaga.
Matatandaang sinorpresa ng inang si Sharon Cuneta si KC nang ipagdiwang ng dalaga ang kanyang ika-40 kaarawan noong Abril sa Palawan. “Dumating si mom, nag-share kami (ng room) and first time tumabi kay mama after one hundred million years. Do’n ko po talagang na-feel na nagmamahalan talaga kaming mag-nanay,” kwento ng aktres.
Noong nakaraang Pasko lamang nagkabati ang mag-ina pagkatapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. “Nagluluto po ako ng adobo, amoy suka at bawang ‘yung bahay ko no’n. Biglang nag-ring ‘yung doorbell. Nag-panic ‘yung PA (personal assistant) ko tsaka ‘yung driver. ‘Nandiyan po si ma’am Sharon sa harap.’ Huh? Nakapayong ‘yung bodyguard niya, nakatayo na siyang gano’n parang ang tagal mong buksan ‘yung gate. Gulat na gulat po ako. Sabi ko, ‘Mom, come in!’ Four o five hours po kaming nag-usap sa living room. And then lahat napag-usapan po namin, para kaming mag-bestfriends,” pagbabalik-tanaw ni KC.
Naging maayos nang muli ang pakikitungo ni KC at Sharon sa isa’t isa. Madalas umanong magpayo ang Megastar tungkol sa buhay pag-ibig sa dalaga.
“Mas natural na po, thank God. Kaya ko na po sabihin na, ‘Ma, I need girl talk, call me.’ Seven ng umaga magigising siya to go to work, natatawagan pa niya ako. ‘Ma, kailangan ko ng advice mo, may na-meet ako.’ Sabi niya sa akin, ‘huwag mong masyadong isipin ‘yung sasabihin ng mga tao.’ And may mga dumating sa buhay ko na talagang sabi niya sa akin, ‘Anak, when in doubt… don’t. Basta kapag nagdadalawang-isip ka, huwag na.’ Tapos ang payo po sa akin ni Papa (Gabby Concepcion) kapag magpapakasal na po, maliit lang daw, intimate lang. Huwag daw ‘yung ginawa nila na sobrang laki,” masayang kwento ng dalaga.
Sa ngayon ay nakahanda na si KC na makasama ang lalaking magmamahal nang lubusan at panghabambuhay.
“I’m ready to share my life with someone. I’ve enjoyed my life so much. Gusto kong i-share to someone deserving, dahil alam niya kung paano ako mahalin. I think natuto rin akong magmahal through the years with every relationship na dumating sa buhay ko.
“Natuto akong mag-trust at magmahal, natuto ako kung ano ‘yung weaknesses ko, kung saan ako nagkukulang, kung saan ako pwede mag-improve, ‘yung mga takot ko dati. Parang ang dami mong guard, parang gano’n ako dati. Ngayon mas nararamdaman ko po ‘yung pagiging babae ko. Mas nagiging soft po ako habang ina-accept ko ‘yung pagkukulang ko. Alam ko na ‘yung role ko sa buhay ng lalaki. Ako gusto ko ‘yung lalaki, provider man pa rin. Kasi alam ko rin po kung ano ‘yung kaya kong i-contribute,” makahulugang pahayag ni KC. — Reports from JCC
- Latest





















