Gladys, gustong sampalin si Maricel

Ganap nang Star Magic artist ang showbiz icon na si Gladys Reyes matapos itong pumirma ng kontrata noong Grand Welcome to Star Magic event ng ABS-CBN noong Huwebes (Agosto 28).
Makalipas ang apat na dekada bilang artista, malaki ang pasasalamat ni Gladys na mapabilang sa Star Magic family ngayon, lalo na at nakilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na kontrabida noong bumida siya sa 1992 teleserye na Mara Clara ng ABS-CBN.
“Masaya ako kasi answered prayer ito para sa akin bilang artista. Umaasa ako sa mas makabuluhan at mahirap na mga proyekto. Nakakaiyak ‘yung respeto at pagpapahalaga kapag nararamdaman mo pa rin ‘yun pagkalipas ng ilang taon,” saad niya.
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Gidget Dela Cuesta.
Excited na si Gladys para sa mga proyektong gagawin niya upang maipakita pa niya sa publiko ang kanyang kalog na personalidad bukod sa pagiging kontrabida sa mga serye. “Marami pa akong gustong gawin. Bukod sa mga teleserye, gusto kong mag-host ulit para maipakita ko ang pagiging totoo ko at ang tunay kong ugali — kung talk show man, variety show, o kahit game show,” sabi pa niya.
Isa si Gladys sa mga bida noong 50th Metro Manila Film Festival movie na And The Breadwinner Is… at napapanood din siya bilang hurado sa It’s Showtime.
Kamakailan din ay pumirma ng kontrata sa Star Magic ang anak niyang si Christophe Sommereux bilang recording artist ng StarPop.
Anyway, kung may gusto man siyang gawin sa ABS-CBN, comedy. “Gusto ko drama. So, sana manifesting also.
“And Kim Chiu, I want to work with Kim also. Kasi sa Showtime lang kami nagkakasama.
“Ang bait-bait din ni Kim sa akin. And I’m sure mag-i-enjoy kami together kapag nagkasama kami. And Kathryn as well. Because si Julia Montes, naka-trabaho ko siya before. ‘Yung mga once upon a time. But I would love to work with Julia also. Julia Montes again. And of course, Kathryn Bernardo. Syempre Inay Maria (Maricel Soriano) again. Dahil ‘yung huling work pa namin is Minsan Lamang Magmamahal, movie with direk Joey Reyes. Parang feel ko ‘yung gusto kong magpupuksaan kami.
“Sasampalin niya ako pero sasampalin ko rin siya. Kasi alam mo naman ang Inay, ‘di ba? Kilalang-kilala ang Inay Maria diyan. Of course, Ms. Sharon Cuneta,” sabi pa ni Gladys.
“Ninang namin, si Ninang Shawie (Sharon Cuneta). Kasi, I’ve never worked with Ate Sharon. Naging batang LT ako noon sa movie nila na Nakagapos na Puso. Pero hindi ko pa siya nakatrabaho ever. Sa mga bagets, of course, nandyan sila Donny (Pangilinan), sila Belle (Mariano). Ang dami eh. Kasi nga, dahil lagi ako usually nandun sa kabila, ‘di ba? “
Samantala, naalala ni Gladys na si Nay Lolit Solis ang nag-push sa kanya na mag-kontrabida na kung hindi raw dahil sa namatay niyang manager / nanay-nanayan hindi niya mararating status ng career niya.
“Kaya ako nagtuluy-tuloy magkontrabida at kung hindi ko siya sinunod baka hindi nga ako primera kontrabida. Baka hindi nga ako tumatak dito sa tingin ko ay effective. Tingin ko ‘yung mga tao sa tingin nila realistic ‘yung ginagawa ko. Maraming salamat, Nay Lolit, of course, kuya Gorgy Rula, thank you so much for always assisting me kahit na nung mga time na ayun na nga medyo mahina na si Nanay. And syempre to my family. Ang nanay ko lagi ‘yan, si mommy Zeny ayan nandiyan. Tatanggap ako ng award o ‘yung lahat ng achievement ko sa buhay present ‘yan lagi, of course. Syempre ‘yung aking asawa, Christopher, mga anak ko, Christoph, Aquisha, Grant. “
Batang-bata pa lang siya nang mag-umpisa sa showbiz at dahil ‘yun sa kanyang pamilya. “Six years old lang kasi ako ‘no. Pero dahil gustung-gusto kong umarte, gusto ko talaga ‘yung ginagawa ko kaya tinuloy-tuloy ko. At ‘yung sa akin, ‘yung preparation eventually. Of course, ang importante sa akin hangga’t nandiyan talaga ang pamilya ko, ‘yung support system ng pamilya ko. Ang nanay ko, of course, mga kapatid ko, asawa’t mga anak ko. Sa akin, hindi ako natatakot dumating ‘yung araw na ‘yun dahil alam ko meron at merong magmamahal at bilib na bilib sa akin. ‘Yun ay ‘yung pamilya na kahit anong mangyari hindi ka tatalikuran,” emosyonal na sabi pa ni Gladys.
- Latest





















