^

PSN Showbiz

Aling Dionisia at bf, kasal na lang ang kulang

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Aling Dionisia at bf, kasal na lang ang kulang
Dionisia at Mike
STAR/File

Hindi issue sa pagitan ng long-time partners na sina Dionisia Pacquiao at Mike Yamson ang kanilang 26 years age gap para patunayan ang kanilang pagmamahalan.

Maging ang boxing icon at dating politician and his family na si Manny Pacquiao at ang kanyang mga kapatid and their respective families ay tanggap ang relasyon ng dalawa.

Ang hindi lamang makatanggap at makaunawa sa kanila ay ang bashers.

Pero ang mga ito’y hindi na pinapansin ng magkarelasyon dahil ang mahalaga sa kanila ay ang pagmamahalan na halos 12 taon na nilang pinatunayan.

Sa panayam kina Dionisia at Mike ng kilalang broadcaster na si Bernadette Sembrano sa kanyang vlog, inamin ni Mike na totoong na-in love siya kay Dionisia sa unang kita pa lamang niya rito sa isang karaoke in General Santos.

Si Mike ay isang local seafarer at nagkataong nag-dock sila sa GenSan kaya sila nakapamasyal ng kanyang mga kasamahan sa isang karaoke kung saan nagkataon na naroon si Dionisia.

Nagpakilala umano si Mike sa nanay ni Pacman sabay abot ng isang papel kung saan nakasulat ang kanyang pangalan at mobile number.

Tinawagan siya nito at ‘yun ang naging simula ng kanilang relasyon and the rest is history na.

Matagal nang hiwalay si Aling Dionisia sa dating mister nitong si Rogelio Pacquiao at mag-isang iginapang ang kanyang mga anak na sina Manny, Bobby, Rogelio, Liza at Isidra.

Sa 75th birthday ni Aling Dionisia nung isang taon ay present lahat ng kanyang pamilya hanggang sa kanyang mga apo. Nandun din ang dating mister niya at nagkasama pa sila sa isang picture with Mike kasama ang kanyang buong pamilya.

Mike has plans to marry Aling Dionisia at may nakahanda na umano silang wedding rings.

Magui, ‘di pa sigurado sa showbiz

Super proud ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla sa nakababatang kapatid ni DJ na si Margaret ‘Magui’ Fiona Ford Planas na nagtapos na ng kanyang pag-aaral sa University of Melbourne in Australia last April.

Siya’y nagtapos ng double degree major in Economics and International Politics.

Ang University of Melbourne in Australia ay isa sa top universities in Australia at #13 in world university ranking.

Si Magui ay anak ng singer-actress, host, entrepreneur at politician na si Karla Estrada sa dating konsehal ng Quezon City na si Mike Planas, ex-husband ng columnist-host na si Pat-P Daza.

Pero hindi pa raw alam ni Magui kung ipa-practice niya ang kanyang tinapos o papasukin din nito ang showbiz tulad ng kanyang mga kapatid na kinabibilangan ni Daniel Padilla.

Bff ni Katrina Paula, maraming kadatungan

Alam mo ba, Salve A. na kung mag-aasawa ngayon at makakaroon ng sariling pamilya ang dating basketball player-turned actor at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board director na si Mark Andaya na mas kilala sa Big Mak sa top-rating action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo ay kayang-kaya niya itong buhayin at mabigyan ng magandang buhay?

Unknown to many, si Big Mak ay isang successful businessman na may apat na magkakaibang negosyo at nagmamay-ari ng apat na bahay at ilang sasakyan.

Madalas silang makitang magkasama ng dating sexy actress na si Katrina Paula na isa ring negosyante pero mag-best friends lamang ang dalawa at kakaiba ang kanilang pagiging magkaibigan.

DIONISIA PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with