Atasha at Jacob Ang, low-key ang relasyon?!

Wala pa mang kumpirmasyon at tsika pa lang na in a relationship sina Atasha Muhlach at Jacob Ang, marami na ang pabor sa relasyon ng dalawa. Another power couple raw sila, younger version ng power couple na sina Bea Alonzo at Vincent Co ng Puregold.
Anak kasi ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation si Jacob, at sabi ni Google, siya ang Chief Planning Officer of Velocite Motors.
Official Ferrari importer, dealer and distributor in the country. Marami ang interesadong malaman kung saan sila unang nagkita, paano sila nagkakilala at kung anu-ano pang info about them.
Kahit ang sabi, nasa dating stage pa lang ang dalawa, marami na ang pabor at wish nilang maging sila na at kumpirmahin ang kanilang relasyon.
May netizen na nagkuwento na nakita niya sa IG Story ni Aga Muhlach noong Hong Kong trip ng kanilang pamilya, kasama raw si Jacob.
Sa pinost ni Aga na group photo sa IG Story, magkatabi sina Atasha at Jacob, kaya lang, bago pa makita ng marami ang IG Story post ni Aga, mabilis daw na dinelete.
May Instagram account si Jacob, kaya lang, walang makukuhang tsika ang mag-i-stalk dahil hindi siya mahilig mag-post.
Iilan lang ang post niya, considering na dapat post siya nang post dahil sa hawak niyang business. Wala pa nga siyang post this year, kaya tama ang ibang netizen na low-key si Jacob at low-key ang relasyon nila ni Atasha.
Ganu’n pa man, marami na ang kinikilig at nagshi-ship sa latest power couple in business and showbiz.
Aktres, ayaw tantanan ang pagpapaayos ng ilong!
Agad napansin ng fans na bagong gawa ang ilong ng isang aktres at very vocal sila sa pagsasabing mas maganda ang dati niyang ilong na ipinaayos din. Comment ng fans, maganda na ang ilong dati ng aktres, bakit ipinaayos pa uli?
May isang fan na pinag-compare ang ilong dati ng aktres at ilong niya ngayon at nakakaloka dahil alam nito ang pagkakaiba. Mas lumiit daw ang butas nito ngayon at hindi na pantay ang butas ng kanyang ilong.
May nag-comment pa na dahil sa pagpapretoke na naman ng ilong ng aktres, may naging kamukha tuloy siya. Sana raw, makarating sa aktres ang kanilang mga comment, pakinggan sila at kung may time pa siya, ipaayos ang ilong at ibalik sa dati dahil bagay sa kanya.
Dustin, namana ang sleep apnea ni David!
Isa sa Pinoy Big Brother housemates na marami ang bashers ay itong si Dustin Yu, tipong lahat ng kilos at sasabihin nito, may negative feedback ang bashers niya.
Inakusahan siyang ginagaya ang best friend niyang si David Licauco, mula sa pananamit, magsalita at pati raw photos na pino-post sa social media, gaya kay David.
Lalo pang maaakusahan nito si Dustin na ginagaya ito dahil sa inaming may sleep apnea siya, kaya siya nagpa-nose lift.
Sa interview ni Ogie Diaz, nabanggit ni Dustin ang “The reason behind sa ilong ko, may sleep apnea kasi ako before. Maliit ‘yung passage ng breathing ko. Tapos binabangungot ako. ‘Di ako nakakatulog. Bad sleep talaga every day. Ginawa na lahat eh.”
May sleep apnea rin si David at nauna siyang aminin ang tungkol sa kondisyon niya, pero hindi nagpa-nose lift, sumailalim siya ng operasyon to correct his condition.
Sabagay, matangos na yata ang ilong ni David at hindi na kailangang galawin pa.
Ang akusasyon, ginawa pang dahilan ang sleep apnea niya para magpa-nose lift
Mabuti na lang at deadma si Dustin sa bashers
- Latest





















