^

PSN Showbiz

Da King, may birthday celeb sa GMA

Pilipino Star Ngayon
Da King, may birthday celeb sa GMA

Ngayong Agosto, ipagdiriwang ng GMA Network ang kaarawan ng nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ, sa pamamagitan ng kanyang klasikong action films sa FPJ sa GMA.

Bilang pagpupugay sa walang kapantay na kontribusyon ni FPJ sa industriya ng pelikula, iniimbitahan ang Kapuso viewers na muling balikan ang kanyang kabayanihan, karisma at hindi malilimutang legacy tuwing Linggo ng hapon.

Magsisimula ang selebrasyon sa Agosto 3 sa pelikulang Kalibre .45 (1980), isang kwento ng tapang at determinasyon kung saan nakasama ni FPJ si Lito Lapid.

Sa Agosto 10, mapapanood ang Ang Maestro (1981) na tampok ang pagganap ni Pacquito Diaz.

Tuluy-tuloy ang aksyon sa Agosto 17 sa Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite (1986), kung saan nakipagsanib-puwersa si FPJ kay Ramon Revilla Sr. sa isang kwento ng dangal at kapatiran.

Sa Agosto 24, matutunghayan ang versatility ni FPJ sa Pakners (2003), isang nakaka-inspire na pelikula kung saan nakasama niya ang billiards legend na si Efren “Bata” Reyes. Mapapanood naman sa Agosto 31 ang klasikong Ang Lalaki… Ang Alamat… Ang Baril (1978) kasama si ­Marianne dela Riva, sa isang kwento ng katapa­ngan at kabayanihan na tatak FPJ.

Sa pamamagitan ng FPJ sa GMA, ginugunita ng bagong henerasyon at matagal nang mga tagahanga ang walang kupas na pamana ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

Bawat pelikula ay sumasalamin sa katapangan at dangal na ibinahagi ni FPJ sa big screen – patunay kung bakit nananatili siyang inspirasyon ng bawat Pilipino.

Huwag palampasin ang mga klasikong pelikula ni Da King tuwing Linggo ng hapon sa FPJ sa GMA, 3:15 p.m. sa GMA Network.

FPJ

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with