Yilmaz, ‘sinita’ si Ruffa

Ang cute naman ng dating mag-asawang Yilmaz Bektas and Ruffa Gutierrez.
Nag-post ng solo photo niya si Yilmaz na may caption na “025 summer vacation”
Nagkomento si Ruffa ng emoji fire.
Pero sumagot si Yilmaz ng “@iloveruffag Why are you still following my pictures? Thank you for liking it. ”
Ayun, ang daming nag-like at ginawan na ng ibang kuwento.
Hanggang na-develop na ang kanya-kanyang anggulo ng mga netizen.
Talaga raw may chance na ulit silang mag-reconcile.
Lalo na at sinabi ni Ruffa sa isang interview na may something sa kanila ng nali-link sa kanya.
Na ang analysis ng lahat ay may pinagdaraanan ang kanilang relasyon.
Hindi natuloy ang pagbisita sa bansa ni Yilmaz last May pero dumalaw ang mga anak nila sa Turkiye na sina Lorin and Venice.
- Latest


























