Kara David, 30 years na sa GMA

Hindi matatawaran ang 30 taon ng paglilingkod ni Kara David sa pagbabahagi ng mga kuwentong may kabuluhan sa mga manonood. Nitong Hulyo 8, bilang selebrasyon ng kanyang ika-30 taon sa industriya, muling pumirma si Kara ng kaniyang kontrata sa GMA Network.
Kasama sa contract signing sina GMA Network President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Exec. Vice President at CFO Felipe S. Yalong, at SVP for Public Affairs at EVP for GMA Pictures Nessa Valdellon. Nagbigay rin ng video message si GMA Chairman Atty. Felipe L. Gozon.
Hindi naman napigilan ni Kara na magbalik-tanaw. “Thank you, GMA, for giving me a chance. I will be forever grateful to you for taking a chance on me when nobody else wanted to. Thank you for giving me this platform. Thank you for allowing me to tell stories and for allowing me to use these stories to help more people in the Philippines. ‘Yun naman ‘yung tatak ng Serbisyong Totoo – ginagawa natin ang istoryang ito hindi para sa sarili pero para sa mas marami. At iyon ang itinuro sa akin ng GMA,” saad ni Kara.
Nagsimula si Kara bilang OJT sa Super Show, naging PA ng GMA noong 1995, writer at reporter ng Brigada Siete at I-Witness, at host ng News to Go, Power House, Brigada, Case Unclosed, OFW Diaries, at Pinas Sarap. Isa siya sa mga unang host ng I-Witness, na nag-25 years noong 2024.
Nakalikha siya ng daan-daang dokumentaryong kinilala sa loob at labas ng bansa, gaya ng UNICEF Child Rights Award. Pinarangalan din siya bilang TOYM noong 2007 at TOWNS noong 2011, bukod pa sa pagtatag niya ng Project Malasakit na nagbigay ng scholarship sa mga batang minsang tampok sa kanyang mga dokumentaryo.
Inanunsyo rin sa nasabing event ang ang bago niyang podcast na I-Listen, na tampok ang totoong kwento ng mga Pilipino. Mapapakinggan ito soon sa Spotify, Apple Podcasts, at social media ng GMA Public Affairs.
- Latest





















