^

PSN Showbiz

Kris, 106 na ang timbang!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris, 106 na ang timbang!
Kris Aquino.
STAR/ File

Marami ang natuwa sa ipinost ng vlogger na si Mama Loi sa kanyang Instagram account.

Video ito ni Kris Aquino na buhat-buhat ni Bimby at sinabing mabigat na raw siya.

Sabi nga ni Mama Loi, bumigat na raw si Kris dahil three digits na raw ang timbang nito.

“She now weighs 106 lbs! Yey! Always cheering for her (smiling emoji),” bahagi ng caption sa IG post ni Mama Loi.

Ang balita namin, nasa isang private resort sa Ilocos si Kris at hiyang siya dahil medyo umokay siya at bumigat pa.

Sabi pa sa IG post ni Mama Loi, nakatulong daw ang turon, mangga, lychees, orange juice at Ensure na may carabao’s milk at ice cream na nagpapasaya raw kay Kris. “Bimb has been her source of strength and I am in awe of how loving and dedicated he is in taking care of his mom.”

Humihingi pa rin sila ng patuloy na dasal para sa lalong ikagagaling ni Kris.

Bahagi ng post nito, “Vitamin Sea is working for her. She is in a safe place by the beach, nahihirapan pa rin pero lumalaban.”

May pahabol pa si Mama Loi na huwag maniwala sa ilang lumalabas na balitang nagpapa-click bait lang.

Patuloy lang daw tayo sa pagdarasal na malagpasan ito ni Kris at gumaling na siya.

KathJam, kasado na!

Nabanggit na rin lang ang clickbait, may mga nagsabing hindi raw totoo ‘yung kumalat na picture na magkasama sina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala.

Ang nasa litrato ay magkasama silang dalawa na kuha sa airport.

Hindi raw legit na litrato, at maaaring ikinalat lang para mapag-usapan.

Ang latest lang na balitang nasagap namin tungkol kay Kathryn ay tuloy na raw ang drama series na gagawin nito, na ang ka-partner ay si James Reid.

So tapos na ang KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla), tapos na rin daw ang KathDen (Kathryn at Alden Richards) at KathJam na ang kasunod?

Samantala, sabi pa ng aming reliable source, ang totoong litrato na kumalat ay ang kuha nina Bea Alonzo at Vincent Co ng Puregold na magkasama sa airport.

Nakunan silang magka-holding hands sa airport, papuntang Japan.

Hindi pa man sila umamin, pero nakikita namang sila na nga at madalas na magka-holding hands.

Kahit doon sa Puregold OPM Con ay magka-holding hands din sila, at hindi na siguro kailangang kalkalin pa kung talagang sila na nga ba.

Ang latest lang na nasagap namin ay nauna pa palang manligaw si Vincent Co kesa kay Dominic Roque.

Si Dominic ang sinagot ni Bea, pero nung nagkahiwalay sila ay pumasok uli si Vincent dahil talagang love na love raw nito ang Kapuso actress.

Marami naman ang nagsabing mas bagay pala talaga sina Bea at Vincent, at sana sila na raw talaga forever.

Innervoices, may pamasko nang kanta

Active na active ngayon ang bandang Innervoices na paborito sa iba’t-ibang bars sa Maynila.

Napanood namin sila nung Huwebes sa Hard Rock Café Makati at meron talaga silang followers.

Bukod sa Hard Rock ay tumutugtog din sila sa Bar Nine sa Alabang tuwing Biyernes, at may mga naka-schedule rin sila sa Parqal, Talabar, Lotus Parqal, Talabar, Lotus Gin Room sa Pasig City at Aromata Bar sa Quezon City.

Mag-35 years na ang naturang banda, at may pitong kanta na silang nasa digital platforms. Meron na raw silang tatlong kantang ire-record at isa na roon ay pang-Christmas. “We hope to release more songs and of course ‘yung mga kanta na sana makaapekto at makapagpasaya sa mga nakikinig.

“We plan to come up with a Christmas tune in time for the ber months. ‘Yun ‘yung mga plano namin, and of course ‘yung mga collab din namin sa ibang artists, abangan natin,” sabi ng band leader nilang si Atty. Rey Bergado.

Naging bagong vocalist nila ngayon si Patrick Marcelino at umaasa silang mas marami pang makikinig sa mga kanta nila.

Aminado silang maraming magagaling na banda at magaganda ang mga kanta, pero hindi naman daw sila nakikipaglaban sa mga ito. “Baka wala kaming laban e. Ang gagaling ng mga gumagawa ng mga kanta e. We just hope na makasingit, and of course mapakinggan kasi ang gagaling naman talaga ng mga lumalabas ngayon,” sabi pa ni Rey Bergado.

Bukod sa kanilang vocalist na si Patrick, nandiyan pa rin ang mga dati pang members ng Innervoices na sina Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon (bassist), Joseph Cruz (keyboardist) at Joseph Esparago (percussionist).

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with