^

PSN Showbiz

Lance Pimentel, may gustong patunayan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lance Pimentel, may gustong patunayan
Lance Pimentel.
STAR/ File

Kahit sobrang yaman na…

Kilala na sa likod ng kamera bilang stunt choreographer at action director, tinuturing ni Lance Pimentel na pinakamalaking proyekto niya na Netflix series na Incognito – kung saan ginampanan niya rin ang role ni Kenji Lee–ang tuluyang nagtulak sa kanya sa spotlight.

Bagama’t baguhan sa akting, nakasama niya sina Daniel Padilla, Maris Racal, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Anthony Jennings, Baron Geisler, at marami pang iba. Mismong si Lance ang nag-train at tumutok sa iba’t ibang action scenes ng cast at sa mga physical at technical demands ng show. Marami rin siyang natutunan mula sa kanyang co-stars pagdating sa akting.

“Maraming tips akong nakuha just being on set and being off-cam. So ‘yung technicals ng blocking at konting acting, natutunan ko na… Nag-take din ako ng konting acting workshop kay Tita Malou De Guzman at talagang ni-rehearse ko ‘yung mga lines ko… May mga cast members din naman ako na tumutulong, lalo na si Tito Ian [Veneracion],” bahagi ni Lance.

Sa murang edad, nag-training si Lance ng wushu sa tulong ng kaniyang amang si Direk Lester Pimentel Ong. Bukod sa pagtuturo ng wushu at tuluyang pagpasok sa mundo ng stunt work at choreography, napabilang siya sa Philippine National Junior Wushu Team at mas pinalawak pa niya ang kanyang skills sa mixed martial arts, boxing, at Muay Thai.

Nagsimula ang hilig niya sa stunts habang pinapanood ang kanyang ama sa trabaho. Sampung taong gulang nang lumabas siya sa isang fight scene sa sikat na TV series na Lastikman, na naging unang exposure niya sa showbiz.

Nagkaroon siya ng cameo roles sa ABS-CBN shows na La Luna Sangre at Bagani at naging malalim ang calling niya bilang action choreographer at stunt director sa One Good Day at sa The Iron Heart, kung saan hindi lang choreography ng action scenes, kundi bilang aktor din ang kanyang ginampanan.

Next project ni Lance bilang stunt choreographer at action director ang upcoming Netflix movie na The Delivery Rider, na pagbibidahan ni Baron Geisler. Produced ng Studio 360 Creative team, ang nasabing movie ay tungkol isang delivery rider na napunta sa isang delikadong sitwasyon.

Nagtapos ng Business Technology Management sa University of British Columbia sa Vancouver, pinili ni Lance na bumalik sa ‘Pinas para makatulong sa kanilang food industry businesses bilang Chief Technology Officer ng Binondo Food Group, kabilang ang Dean and Deluca, Rice in a Box, Kyukyu Ramen, at Wangfu, at iba pa. Pangarap ni Lance na magtayo pa ng sariling mga brand at negosyo habang patuloy na gumagawa ng pangalan sa mundo ng action filmmaking.

Mayroon din siyang ibang mga interes gaya ng paglalaro ng pickleball, video editing, at pag-explore ng musika. Ang creative spirit niya ay buhay na buhay sa likod at harap ng kamera. Balak din niyang magdirek ng mga proyekto na pagsasamahin ang hilig niya sa storytelling at action.

Sa hinaharap, nais ni Lance makagawa ng mas maraming quality projects na hindi lang ipinapakita ang talento ng Pilipino, kung hindi pati ang creativity at world-class craftsmanship sa likod ng mga local production. Gusto niyang patunayan na kaya ng Pilipinas gumawa ng mga proyekto na kayang sumabay sa pinakamagagaling sa buong mundo.

LANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with