^

PSN Showbiz

Fyang, pinag-iinitan ng bashers!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Fyang, pinag-iinitan ng bashers!
Fyang Smith.
STAR/ File

‘Kaloka naman na naalarma raw ang Star Magic dahil sa kumakalat na fake news tungkol sa artist nilang si Fyang Smith.

Naglabas daw ng pahayag ang Star Magic tungkol sa kumakalat sa social media na pag-imbita sa pagdating nung Fyang sa isang event na hindi naman daw pala totoo.

Kaya mabilis nilang kinontra iyon at wala raw alam si Fyang tungkol sa event na may titulo pa raw na “Sofia Delegate” dahil hindi raw talaga darating ang aktres.

Nawa nga raw maging paalala iyon na laging mag-verify ng legitimacy ng mga nababasa online at manatiling mapagmatyag.

‘Kaloka rin daw na ang daming mga pekeng account na nagpapanggap na siya sa social media.

In fairness ang dami niyang fans pero ang dami rin niyang basher na gusto yatang sirain ang baguhang artista kaya gustong ipahiya ito.

Kaya panawagan daw ng fans nito ay sana ay may gawing aksyon ang Star Magic dahil palala raw nang palala ang paninira sa idolo nila at ginagamit pa raw sa panloloko.

Marami nga raw ang nabubudol ng mga basher na iyon.

Sana nga ay ma-verify na ang social media account nito dahil malaking tulong sana iyon para malaman kung legit ang impormasyong nababasa ng fans niya sa rami ng poser account.

Usung-uso kasi talaga ngayon ang fake news at mga poser sa mga artista at ang dami nang nabiktima ng mga ito kaya kailangan talagang maging maingat at huwag basta-basta maniniwala.

‘Kaloka.

‘Yun lang at babu!

FYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with