The Star Awards Best Showbiz Oriented Talk Show Host
May ilang beses na akong na-nominate bilang host sa Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club o PMPC, pero ngayong taon lang ako pinalad bilang Best Showbiz Oriented Talk Show Host para sa show namin sa ALLTV na Marites University (ako na ang may Star Awards!) Iba rin ‘yung feeling ng wagi. (feeling artista!) Madalas kasi nagko-cover lang ako sa red carpet nila, pero ngayon may bitbit na kong trophy. (name ko naman ‘yung nakalagay!) Makasaysayan din ang seremonya bilang sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ito ginanap kamakailan. (bago tuluyang tibagin!)
Nung tinanggap ko ang award, naisip ko agad si Sir Boy Abunda at unang pinasalamatan (feeling close!). Hall of Famer na siya sa kategoryang ito, kaya ako nakalusot! (pero syempre humakot siya ng awards sa ibang category!) Pero may pasundot akong pa-serious. (habang suot ko ang Francis Libiran suit!) Ang eksaktong sinabi ko ay: “There was this time that I felt I was no longer needed in the industry but Marites University came and made me part of the show.“ (napa-english talaga?!) Kaya nagpapasalamat talaga ako sa MU, sa Scott Media, kina Yorme Isko Moreno at Sir Patrick, sa ALLTV, sa buong production staff at sa mga tumututok sa amin na mga certified Marites. (worldwide ha!) Malaking pasasalamat din syempre sa bumubuo ng PMPC. Ang say ko: “This will really serve as an inspiration.“ (na-touch talaga ako ha!)
Hindi ko rin pwede makalimutan ang mga kasama kong hosts sa show. Ang sabi ko nga: “Hosting Marites University is a team effort. I am sharing this with Jun Nardo, Ambet Nabus and of course Rose Garcia who recommended me in the show.” (may pa-english ulit!)
Pero bilang ako ang winner, ako ang nag-uwi ng tropeo! (no sharing this time)
Para rin ito sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin. My family, friends and lovers. (oo marami sila! chos!) Thank you Lord! Thank you universe! (and yes, tuloy ang mga blind item!)
Makalipas ang isang araw, fly naman ako sa Lingayen, Pangasinan para maging speaker sa isang career talk for students na inorganize ng Inspiration.Ph. (feeling intelligent ako ha!) Thank you kina The-rese Gallenero at Paolo Capino na mga dati kong kasamahang reporters sa RPN9 para sa imbitasyon. (parang reunion ha!) Nakasama kong nagbahagi ng kanilang kaalaman sina Business Executive and Educator Janice Alfonso at Senator Pia Cayetano. (nakiki-level ako!) Nakatoka sa’kin ang topic na “Building your Personal Brand.” (may na-build na ba ako?!)
Humigit kumulang isang libong estudyante sa high school at college ang dumalo na sana kahit papaano ay na-inspire namin para sa kanilang paglalakbay patungo sa anumang karerang kanilang tatahakin. (basta mga bagets, rock the universe!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest




















