^

PSN Showbiz

Kim at Paulo, hiwalay na agad?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kim at Paulo, hiwalay na agad?!
Kim Chiu at Paulo Avelino.
STAR/ File

Sa mga halakhak ni Kim Chiu, nakapag-move on na talaga siya ng 100 percent sa breakup nila ni Xian Lim.

Kung makahalakhak siya nang i-announce ang DaBeKi group nila nina Darren Espanto at Bela Padilla, parang hindi dumaan sa breakup.

Pati ‘yung road trip nilang tatlo, lutang na lutang ang halakhak niya na sinabayan lang ni Bela. In-adopt muna nila si Darren habang wala si Angelica Panganiban at okay naman kay Darren.

Magkakasama rin ang tatlo sa birthday party ni Vice Ganda na white ang concept, as in, lahat ng bisita ay dumating in white na in fairness, ang gandang tingnan. Kumpleto ang hosts ng It’s Showtime pati ang kanilang mga partner.

Wala rin si Paulo Avelino sa party ni Vice at sabi ng fans, patunay ito na hindi na couple sina Paulo at Kim.

Break na ba agad sila?

Fans ni Kathryn, nawindang sa rami ng negosyo ni Alden!

Nag-react ang fans ni Alden Richards sa comment ng ilang KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kapag naging magdyowa sila, malaking downgrade ito kay Kathryn. Parang gustong palabasin sa comment na ito na walang panama si Alden kay Daniel, kaya umalma ang fans ni Alden.

Ang payo nila sa humahamak kay Alden, mag-research muna bago magsalita para hindi sila mapahiya. Gayahin daw nila ang ibang fans ni Kathryn na nag-research, ni-research si Alden ang nagulat sa kanilang nalaman.

Hindi nila inakala na marami itong negosyo at may AR Foundation na nagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante. Iyong iba, ngayon lang nalaman na may Myriad Corporation si Alden at marami ang investment at ang Myriad Entertainment ay may mga ginawa na para makatulong sa entertainment industry.

Sabi pa ng fans ni Alden, ‘wag mag-alala ang fans ni Kathryn halimbawang maging sila ng aktres at magkatuluyan. Hindi raw magugutom si Kathryn at hindi ito magiging pabuhat sa kanya.

Naisip namin, wala pa nga silang relasyon at kinikilala pa ng mas mabuti ang isa’t isa, marami na ang kontra. Paano pa kapag naging sila na nga? Kapag in-announce nila na they are in a relationship, siguradong marami ang magre-react at hindi papayag.

Ronnie, ‘di palalabasin sina Carmina at Jillian!

Pinost ni Ronnie Liang ang segment sa Chika Minute ng 24 Oras kung saan, ibinalita na ang singer-actor ang bagong napasama sa cast ng Abot Kamay na Pangarap. Nagpa-thank you siya sa pagpe-feature sa kanya, pati ng interview sa kanya na ipinakilala ang kanyang karakter.

Medical director sa isang ospital ang role niya na nag-utos ng total lockdown sa ospital, kaya hindi makalabas ang mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward). Dream come true sa kanya na mapasama sa cast at very thankful sa warm welcome na ibinigay sa kanya ng production at cast.

vuukle comment

KIM

PAULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with