^

PSN Showbiz

Burol inaayos pa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagpapigil ang mga nagpapabida, iskupera, iyung gustong maunang maka-break na merong kilalang celebrity na pumanaw na.

Sila na naman ang bida bida sa social media nang kumalat ang balitang pumanaw na si Jaclyn Jose.

Lahat ay nabigla at hindi makapaniwalang totoo ito.

Nagpasalin-salin na ang mga impormasyon hanggang sa nakumpirma nga sa aming totoo ang balita, at meron na ngang kilalang pulitiko na nag-ayos nang pagdala sa aktres sa punerarya.

May mga miyembro ng SOCO na pumunta sa condo unit ni Jaclyn sa Loyola Grand Villas, Quezon City para imbestigahan.

Marami-rami na rin kaming nakuhang impormasyon, pero hindi namin ma break yung balita dahil kailangang hintayin ang official announcement mula sa miyembro ng pamilya.

Pero ang dami nang nag-post sa kanilang social media account, me­rong nakiramay, merong may pa-blind item pa tungkol sa pagpanaw ng isang premyadong aktres.

Basta ipaalam lang sa lahat na nauna silang nakabalita. 

Hindi na nakapagpigil si Gina Alajar na nag-post ng status sa kanyang Facebook account ng; “Eto na naman tayo eh…laging gusto makauna sa scoop….tumahimik muna kayo!!!”

Halos madaling araw na nang naglabas ng statement ang manager ni Jaclyn na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.

Aniya; “It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).

“The Guck ang Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.”

Nag-follow up na rin ako kay Perry tungkol sa detalye ng burol. Pero wala pa raw, at kapag na-finalize na ay i-announce daw nila agad.

Ang dami nang nag-post ng magagandang alaala nila sa premyadong aktres, at ang isa sa napaka-touching para sa amin ay ang ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account.

Tatlong soap opera raw niya nakasama si Jaclyn at hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat na kabutihang ipinakita sa kanya ng namayapang aktres.

“Naalala ko nung nagsisimula pa lang ako, hindi ako makapaniwala, pinagtatanggol mo ko. Touched na touched ako sa malasakit mo sakin. Tatlong soap opera kita nakasama. Napakarami mong tinuro sa akin,” bahagi ng mahabang post niya sa kanyang IG account.

Sabi pa niya; “Proud akong isa ka sa naghubog sakin. At siyempre hindi ko malilimutan lahat ng kwentuhan natin sa likod ng camera. Kilalang-kilala na natn ang bawat isa, kaya naman ang usapan natin ang bawat isa kaya naman ang usapan natin ay hindi puwedeng hindi humaba at kung saan saan din napupunta.”

Sa mga nagpapabida na unang maka-break ng balita sa pagpanaw ng isang sikat na celebrity.

Mas mabuting i-google nila ang tamang etiquette sa pag-announce ng may pumanaw.

Mga ninong at ninang ni Mochi, halos kapamilya lang

Bininyagan na nung Linggo ang bunsong anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Thia Marceline na si Baby Mochi ang palayaw.

Simple lang daw ang selebrasyon nila na dinaluhan ng pamilya.

Nakakaaliw nga ang post ng mga anak ni Bossing Vic na sina Danica Pringris, Paula Llanes kasama si Mayor Vico Sotto.

Pawang close sa kanila ang kinuhang ninong at ninang na sina Father Jeff Quintela, Eumir Siao, dating Sen. Tito Sotto, Wahoo Sotto, Vito Generos, Ryan Agoncillo at ang kapatid ni Pauleen na si Miki Luna.

Ang ninang naman ay ang BFF ni Pauleen na si Nina Almoro, Florabel Yatco, Joy Sotto, Mara Fortuna, Maan Luna, Charisse Tinio at Ciara Sotto.

Siyempre, ang pinakamasaya sa binyag at sa selebrasyon nila ay si Talitha, na feel na feel ang pagka-ate.

vuukle comment

ACTRESS

JACLYN JOSE

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with