^

PSN Showbiz

Zeinab, priority ang mental health

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zeinab, priority ang mental health
Zeinab Harrake.
STAR/ Fie

Isang bagong karanasan para sa vlogger na si Zeinab Harake ang pag-arte sa harap ng kamera bilang isang artista. Kabilang si Zeinab sa pelikulang Kampon na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay. Talagang pinaghandaan umano ng vlogger ang kanyang pagsabak sa naturang Metro Manila Film Festival 2023 entry. “Nag-workshop ako. Almost ilang months din naming pinaghandaan ‘yung emosyon ko, kung paano ako makakatalon sa character na gagawin ko and lahat naman ‘yon naging okay,” bungad ni Zeinab.

Matatandaang taong 2022 nagkahiwalay ang sikat na YouTuber at ang rapper na si Skusta Clee. Ngayon ay masaya si Zeinab sa relasyon nila ng kasintahang si Bobby Parks. Nasanay na umano ang baguhang aktres na palaging naibabahagi sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng basketbolista. “Actually, nakakatakot eh. Paano ‘pag nag-away kayo, kasama ang sambayanan. Pero hindi naman na gano’n nangyayari sa lovelife ko ngayon. Talagang more on maturity. Understanding sa career namin both sides. Ang pinakamaganda do’n ‘yung pagiging supportive namin sa isa’t isa. Wala na akong masasabi or mahihiling pa,” makahulugang pahayag niya.

Ngayong unang araw ng bagong taon mayroong hinihiling si Zeinab para sa sarili at sa dalawang anak. “Number one ‘yung mental health ko, ‘yung wala nang worries. Kasi overthinker talaga ako eh. And sa pag-o-overthink ko minsan, natatakot ako lumabas, ayoko matuluy-tuloy siya. Kaya ang nilu-look forward ko talaga ‘yung health ko, relationship ko sa mga anak ko. Pagpapatuloy pa rin ‘yung pagiging lovable mom ko and mga anak ko sa akin, and ‘yung mga school nila. And kung paano ako magpo-provide sa ibang tao,” pagbabahagi ng vlogger at aktres.

KD, nagsalita sa relasyon nila ni Alexa

Isang bagong album ang nakatakdang ilunsad ni KD Estrada ngayong taon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin ng actor-singer na makapagpasalamat nang personal sa kanyang mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang ginagawa. “I want to release an album and sana magkaroon ng fancon din or events for the fans. So, I can show my appreciation to them,” nakangiting pahayag ni KD.

Ngayon ay napapanood ang binata sa Pira-Pirasong Paraiso kung saan katrabaho ni KD si Alexa Ilacad. Nagsimulang maugnay sina Alexa at KD sa isa’t isa noong 2021 sa Pinoy Big Brother kung saan naging Housemates ang dalawa. Mula noon ay tinangkilik na ng mga tagahanga ang tambalang KDLex. “Me and Alexa are closer in real life. It’s not just work. Our relationship outside of work, it’s really close. We have a great friendship, a great bond. Depende kasi sa loveteams, maybe for them it’s just work but for us we’re actually close,” pagtatapat ng singer-actor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with