^

PSN Showbiz

Rabiya, nagpakatotoo sa naramdaman kay Dingdong!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, nagpakatotoo sa naramdaman kay Dingdong!
Royal Blood cast
STAR/ File

“Opo naman lumaki tayo kay Kuya Dong (Dingdong Dantes) eh. Crush ko talaga si Kuya Dong I will be honest. And nung nakita ko nga siya sabi ko, grabe ang gwapo niya talaga,” pag-amin ni Rabiya Mateo nang makatrabaho si Dingdong sa teleseryeng Royal Blood.

“Nakatitig talaga sa kanya! Nahihiya ako kasi syempre dati napapanood ko lang siya sa TV,” kinikilig na dagdag na chika ng girlfriend ni Jeric Gonzales.

Sa Family Feud niya unang nakita ang actor, nung naimbitahan siyang maglaro sa nasabing game show na naka-season break sa kasalukuyan.

“Una ko siyang nakita was Family Feud when I play pero sa eksena it’s different kasi I need to be so inlove with him. Kailangan talaga tingnan ko talaga siya.”

Paano siya nag-internalize ng pagka-inlove kay Dong?

“Sabi ko ‘Rabiya ito na ang time mo’ kasi at first it was one sided lang ‘yung pinapakita eh. So parang sinasabi ko talaga na ‘Rab, you cannot play, you cannot lose this moment kasi hindi mo alam kung mauulit pa siya’ and makakatrabaho ko pa siya in the future. Kaya dapat ibigay ko talaga and si Kuya Dong ‘yan eh,” dagdag pa niya.

Pero andun daw ang kaba. “Merong kaba. At first pero the more kami nagkakasama sa eksena the more ako nagiging komportable sa kanya.”

May kissing scene ba kayo?

“Abangan n’yo po pero kung meron man hindi siya galing sa lugar ng lust. Galing siya sa lugar ng pagmamahal,” ang pagli­linaw ni Rabiya mga eksena nila ng aktor.

Mapapanood ang Royal Blood umpisa sa June 19 on GMA Te­lebabad.

Samantala, sayang at ‘di namin nalinaw sa dating beauty queen kung totoong parang live in na sila ni Jeric.

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with