^

PSN Showbiz

Pag-'cheat' kuno ni John Estrada sa misis usap-usapan matapos cryptic posts

James Relativo - Philstar.com
Pag-'cheat' kuno ni John Estrada sa misis usap-usapan matapos cryptic posts
Litrato nina Priscilla Meirelles (kaliwa) at mister na si John Estrada (kanan), Marso 2023
Mula sa Instagram account ni Priscilla Meirelles

MANILA, Philippines — Panay ang hinala ngayon ng netizens kung nangaliwa ba o hindi ang aktor na si John Estrada, ito matapos ang sunud-sunod na paskil ng kanyang asawa na tila parinig.

Ngayong Miyerkules lang nang pasalamatan kasi ni Priscilla Meirelles, misis ni John, sa kanyang Instagram story ang mga sumagot sa kanyang tanong na: "What to call a female that entertains married man?"

 

Kinolekta niya ang "top 20 best answers" sa tanong na ito, bagay na nagsama sa mga salitang, "home wrecker," "hitad," "haliparot," "burikat," "malandi," atbp.

"Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words," pabirong sabi ni Priscilla kanina, na dating itinanghal bilang Miss Earth 2004 at Miss Globe 2003 winner.

Martes lang nang mag-story naman ang beauty queen ng isa pang cryptic message, bagay na tila tumutumbok sa "taong dapat magbago."

Marami sa ngayon ang naghihinalang si John ang kanyang tinutukoy.

"Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you," sabi niya sa IG story.

"Did you smile? No? Then change."

Hindi tuloy napigilan nang netizens na isiping ang aktor ang pinupuntirya ng kanyang misis.

"[Did] actor John Estrada cheat again? Bakit kaya may paganito si Miss earth 2002 Priscilla Meirelles?" tanong naman ng Facebook user na si Jasper Santiago Caygill.

Taong 2006 nang kumpirmahin ni John na nagkahiwalay na sila ng dati niyang nobyang si Vanessa del Bianco, na noo'y itinuturing na dahilan sa breakup ng aktor sa dati niyang asawang si Janice de Belen.

Wala pa ring pahayag si John sa mga nasabing alegasyon at IG stories ng misis sa kanyang opisyal na social media accounts.

vuukle comment

CHEATING

JOHN ESTRADA

PRISCILLA MEIRELLES

RELATIONSHIP

RUMORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with