^

PSN Showbiz

Nikko, nagkasugat-sugat ang singit

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nikko, nagkasugat-sugat ang singit
Nikko Natividad

Napapanood na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Salamat Daks na pinagbibidahan ni Nikko Natividad.

Ngayon lamang naranasan ng aktor na makagawa ng love scenes sa isang proyekto.

Si Ayanna Misola at Alma Moreno ang mga katambal ni Nikko sa naturang pelikula.

Ayon sa aktor ay talagang nanginig siya nang gawin ang intimate scenes. “First time ko to do sexy scenes and I asked direk Bobby Bonifacio and Ayanna to help me para hindi ako mahirapan. Kasi never naman akong nakipag-bed scene. Kaya nanginginig ako sa takot noong umpisa. Si Ayanna ang first screen kiss at love scene ko and I’m thankful tinulungan niya ako,” kwento ni Nikko.

Nagselos ang asawa ng aktor na si Cielo Eusebio dahil sa mga love scenes ni Nikko at Ayanna sa pelikula. “Hindi naman maiiwasang magselos ang asawa ko but I told her na trabaho lang ito. She knows namang artista ako at part ito ng job ko. Normal naman ang magselos, so sabi ko huwag na lang niya panoorin,” nakangiting pagtatapat ng dating miyembro ng Hashtags.

Kahit maraming intimate scenes ay hindi naman umano tinablan si Nikko kay Ayanna.

Nagpatulong pa ang aktor sa mga kasamahan upang malagyan ng plaster ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.  “She’s so sexy pero faithful po ako sa misis ko kaya lalabanan ko ang mga tukso. At kapag tinablan ako, ibig sabihin, may nararamdaman akong malisya. Never namang nilagyan ng malisya ang mga eksena naming. Kasi malaki ang respeto ko kay Ayanna dahil tinutulungan nga niya ako sa eksena. Nag-plaster din po ako. Hindi ako marunong maglagay kasi first time ko. Nagpatulong ako sa mga makeup artists. Nagkasugat-sugat nga po ang singit ko, ang hita ko, kasi ilang beses inaalis at idinidikit uli,” pagdedetalye ng aktor.

Aiko, may kontrata na kay Ogie

Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Aiko Melendez bilang bagong talent ni Ogie Diaz. Mahigit tatlong dekada nang magkaibigan ang dalawa kaya talagang malaki ang tiwala ng aktres kay Ogie bilang talent manager. “Just inked with Ogie Diaz. Sealed it with love and formality. Finally, under the wing and care of my long-time friend and confidant. I’m sure there are so many beautiful things that we still can explore together,” nakangiting pahayag ni Aiko.

Naniniwala ang aktres na kailangan lamang maging bukas ang komunikasyon sa pagitan nila ni Ogie upang maging maayos ang kanilang samahan. “Sa ano mang relasyon wala dapat bilangan at pilitan. Dapat communication is the key. Kung may ayaw ka, sabihin mo. Kung may reklamo ka, sabihin sa maayos na paraan. Wala namang bagay na hindi nadadaan sa mabuting usapan lalo na kung may open mind ka. Kung merong dapat tunay na nakakakilala sa ‘yo, manager mo ‘yon. Dahil ‘yan ang tagasalo sa ‘yo sa ano mang giyera na haharapin mo,” paliwanag niya.

Para kay Aiko ay hindi madali ang trabaho ng isang talent manager. “It takes a lot of guts and patience also. Para kaming painting na nagsisimula sa isang canvass. Tapos ang manager mo ang tagabuo no’n hanggang sa maging legit na painting ka. Nasa talent na lang ‘yon kung anong klaseng painting ang gusto mo sa karera mo. Kung Mona Lisa or pang-coloring book ka lang? Coloring book kasi makulay nga kasi ang dami naman palang nakatago sa matingkad na kulay no’n,” makahulugang pahayag ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

NIKKO NATIVIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with