^

PSN Showbiz

Lumulusog na ang hitsura...

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, nakaka-feel good ang intimate birthday celebration ni Kris Aquino sa kanyang inuupahang Airbnb house sa may Newport Beach, California.

Isa sa mga um-attend doon (at nagdala rin ng favorite food ng tinaguriang Queen of All Media) ay si Mary Ann Opeña na kilala ring malapit kina Annabelle Rama, Vice Ganda, at iba pang showbiz personalities.

In fairness, okey ang hitsura ni Kris sa ilang pictures na shinare ni Tita Mary Ann.

Mukhang masaya rin ang nanay nina Josh at Bimby. Masaya lang na makitang nakangiti si Kris.

Of course, nandoroon ang mga anak ni Kris at ilang malalapit sa kanya.

Sabi ni Tita Mary Ann, hindi rin siya masyadong nagtagal doon.

Anyway, madalas din na nakakasama ni Tita Mary Ann sa Disneyland sina Josh at Bimby. Enjoy ang magkapatid kapag kasama ito.

Bongga!

Pops at Martin, magkasama nung valentine

Gabi naman ng exes ang Composer Ka lang: The Valentine Concert ni Louie Ocampo sa The Theater at Solaire noong Feb. 14 (pati kagabi).

Siyempre, special guest at umuwi pa from America ang ex ni Louie na si Joey Albert.

Maganda rin na kahit mag-ex, friends naman, ‘noh?!

Siyempre, kasama rin doon ang mag-ex na Martin Nievera at Pops Fernandez, na friends din.

Nang papunta ako sa dressing room ni Martin, nakasalubong ko sina Pops at Joey.

Biro ko kay Pops, “Pupuntahan ko ang ex mo sa dressing room niya.”

Nang puntahan ko sa dressing room si Martin, kasama niya ang girlfriend na si Anj del Rosario.

Siyempre, maraming Martin & Pops fans na nagpunta roon para panoorin ang ex-couple at happy na silang makitang nagpe-perform ang dalawa. May duet nga sila na binuhat pa ni Martin si Pops, huh!

Ang saya lang na makita silang ganoon at kahit malabo ngang magkabalikan sila, at least, friends naman.

After nga ng concert, nakasama rin namin ang ex-couple na mag-late dinner sa isang restaurant sa Solaire.

Kasama namin ang Ate Gina ni Martin at husband nito, ang personal manager niyang si Joy Alonzo, BFF na si Wanda Tsukiyama na galing Hawaii, ang assistant niyang si Arthur, si Anj, pati si Pops.

Siyempre, madalas namang nagkakasama sina Pops at Anj at walang problema sa dalawa.

Ang saya lang din ng chikahan namin sa late dinner namin at ang ibang Martin-Pops fans, tala­gang naghintay pa sa labas ng restaurant dahil gusto nilang magpa-picture sa ex-couple.

Ang maganda kina Martin at Pops, after kumain, lumabas sila ng restaurant para makipag-picture at chikahan sa kanilang fans.

Basta for their fans, nag-e-effort sina Martin at Pops, kaya naman love na love sila ng mga ‘yon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

POPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with