^

PSN Showbiz

Sunshine, umaasa na lang sa plano ng diyos

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Mahigit na 13 taong nagsama bilang mag-asawa sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae. Pero nagkaroon sila ng problema at masasabing sa kabila ng pagsisikap na mai-save ang kanilang pagsasama, nauwi rin silang dalawa sa paghihiwalay.

Matapos na maghiwalay, hinarap ni Sunshine ang responsibilidad na makapag-provide kung ano man ang kailangan ng kanyang mga anak. Wala rin naman siyang pera noon dahil ilang taon siyang hindi nagtrabaho, pero nagbalik nga siya sa show business, at suwerte naman na noong magbalik siya, kabi-kabila ang naging offer sa kanyang trabaho.

Sa loob ng apat na taon, napangatawanan niyang buhayin nang maayos ang sarili at ang tatlo niyang anak, kasabay pa noon ang pagharap sa mga kasong legal kaugnay ng paghihiwalay nila ni Cesar.

Natapos niyang lahat iyon, hanggang sa nakuha pa niya ang annulment ng kasal nila.

Noong maganda na ang kanyang buhay at saka naman pumasok si Macky Mathay.

Maganda naman ang kanilang relasyon sa umpisa, pero nagkaroon din ng problema. Nag-split sila at ngayon single na ulit si Sunshine.

“Parang mas ok naman ang buhay ko kung single. Aywan kung ano ang plano ng Diyos para sa akin pero kung ano man iyon, handa naman ako,” sabi ni Sunshine.

Willie, sa digital na lang ulit

Ano nga ba ang nangyari sa AllTV. Ang ingay nila sa simula, lalo na noong ibigay sa kanila ang pansamantalang paggamit sa frequency na naiwan nang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Tapos nakuha rin nila mula sa nagsarang network ang analog transmitter na isa sa pinakamalakas sa Pilipinas.

Pero ang nakuha lang nila ay ang Metro Manila station. Hindi pa nila kinuha ang provincial stations noon.

Ang sinasabi marami na raw silang nabiling equipment na siyempre ay mas bago at mas modern kaysa sa ginagamit ng ibang networks. Pero urong-sulong ang kanilang pagbubukas. Nananatili silang naka-test broadcast.

Ngayon mas matindi pa ang kuwento, baka nga raw sa Abril na ang kanilang laun­ching, at iyong mga artistang kinuha nila at may show na, babayaran pa rin naman daw ng talent fee as per contract, pero tigil muna ang mga programa nila. Iyong inaasahan nilang “big man” nilang si Willie Revillame, nagbalik na sa YouTube.

Dating sexy star, nirereto ang anak sa mga kaibigang bakla!

Pinagkukuwentuhan nila ang isang dating sexy star, na sinasabi nilang siya pang nagkukuwento at mukhang “iniaalok” ang pogi niyang anak na lalaki sa mga kaibigan niyang gays. Pati raw ang ‘assets’ ng kanyang poging anak, sinasabi ng dating sexy female star sa mga kaibigan niyang bading. “Parang kalabaw na isinosoga niya ang anak sa mga bading,” sabi pa ng isa.

Ano kaya ang dahilan? Naniniwala ba si sexy female star na madaling yayaman ang kanyang anak, o maaaring magkaroon siyang muli ng career kung ang kanyang anak ay makursunadahan ng mga maimpluwensiyang showbiz gay?

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with