^

PSN Showbiz

‘Love begets love’

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro dahil gloomy panahon kaya parang melancholic din feeling ko. Naisip ko bigla ‘yung mga bagay na lagi na lang sinasabi tungkol sa akin. Harbatera, intrigera, gerera, maldita at iba pa.

Noon pa lang lagi na lang ito ang bintang sa akin, pero hanggang ngayon naman nandito pa rin ako.

Kasi nga ang paniwala ko sa buhay, maging mabait sa mabait sa akin, plastic sa mga plastic, labanan ang mga umaaway. Mahalin ang nagmamahal. Igalang ang binibigyan ka ng respeto. Pero huwag paapi.

Siguro naging fair and honest din ako sa mga tao na naging malapit sa akin. So up to now, heto pa rin ako.

Iyan ang lagi ninyong ilalagay sa isip, kung ano ang ipakita sa inyo, iyon din ang ibigay n’yo. Love begets love, mahalin n’yo lang ang mga tao na mahal kayo.

Huwag mag-aksaya sa mga tao na walang kuwenta, dahil sayang oras n’yo.

Dedma sa mga walang kuwenta. Basura sila ng mundo. At hindi healthy sa mga tulad natin na mahal ng langit.

Dingdong, mabenta sa Family Feud

Bagay na bagay talaga kay Dingdong Dantes ang Family Feud.

Ang galing-galing pati ang jokes niya at pakikipagpalitan ng conversation sa mga contestant. At ang dami mong ‘natututuhan’ sa Family Feud kaya naman siguro napakataas ng rating nito.

Very educational ang ilang questions, kahit pa nga sabihing galing ito sa survey ng 100 tao.

‘Yung mga sagot kasi ay mind-opener, kumbaga na doon mo lang malalaman.

Sana mabigyan pa ng extension ang Family Feud.

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with