^

PSN Showbiz

‘Nakakasira ng time frame’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naku talagang sira na ang time frame ko, Salve. Hindi ko na alam ang araw, oras at mga nagaganap. Para bang ang tagal ko na sa hospital at feeling ko parang bakit ganun, iyon pala two days pa lang akong naka-confine.

Buti na lang mabait ang buong FEU Hospital sa akin, doctors, staff at mga intern kaya hindi naiinis sa kakulitan ko. Wala na akong ginawa kundi i-harass sila sa mga paulit-ulit kong inquiry at tanong na buong tiyaga nilang sinasagot.

Feeling ko nga, parang balak ng team of doctors ko na sina Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga at Evangelista at mga assistant nila na mag-walk out na sa akin at balak na nilang huwag makipag-usap, hah hah hah.

Talagang hindi ako bagay sa regular na sked, ‘yung may sinusunod na protocols. Talagang pang-jologs lang ako na hit and miss, grabe. Hay, talagang dapat gumaling na ako bago mag-walk out ang buong FEU Hospital sa akin dahil ako ang worst patient nila, hah hah hah.

Talagang very grateful ako sa kanila for taking good care of me, isang complaining old woman na walang ginawa kundi magbigay ng stress. Kaya kayo na lang ni Gorgy, Salve, at Jerry ang i-harass ko, para matahimik ang staff ng FEU Hospital. O balikan ko na lang kaya uli si Bea Alonzo. Itanong ko nga kay Leo Espinosa, hahahaha. Kaloka.

Maggie, sinuwerte katulad ni Gretchen

Sawsaw ako sa issue ng Maggie Wilson/ Vic Consunji. Alam mo ba, ang problema ng mga babae na nagkakaroon ng relasyon sa rich guys, lahat sila gustong maging Gretchen Barretto.

Nakita kasi nila na very spoiled si Gretchen kay Tonyboy Cojuangco, lahat ng luho binibigay, free as a bird. Ngayon lahat sila ganyan ang hinaha­nap, maging kasing-spoiled ni Gretchen. Siguro iyon sana ang gusto ni Maggie Wilson kay Victor pero hindi siya nakarampa na tulad ni Gretchen. Eh rich guy rin ang Victor, kaya siguro type ng Maggie Wilson na irampa rin ang beauty.

Lucky ladies, imagine na achievers ang papa nila, pero siyempre pinaka-lucky si Gretchen dahil bongga ang trato sa kanya ng Tonyboy. Kasi iyon lagi ang tanong sa mga ganitong relationship, para bang dapat maging tahimik ka lang at suwerte mo na isang Cojuangco o Consunji ang dyowa mo. Kaya ‘di ba ang usual reaction, bakit nag-complain eh suwerte niya na dyowa niya ang Consunji?

Pero in fairness, matagal ding tahimik ang buhay ni Maggie, sana ganun na lang, tahimik na lang, mahirap nang pantayan pa sa leveling si Gretchen dahil iba naman ang Tonyboy.

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with