Ang Luto ni Master Paolo
Matagal ko nang kaibigan ang Director, Writer at Talent Manager na si Paolo Bustamante. (actually kinaibigan ko talaga s’ya kasi alam kong rich s’ya!) Sa TV5 kami nagkakilala at nagkatrabaho ng maraming taon. At bilang feeling close nga ako sa kanya, lagi akong nakikikain sa bahay n’ya.(lakas maka-PG ha!) Naging halos regular ang kitaan namin sa bahay n’ya, kasama sina Francis Bryan Talatala, Direk Rich Ilustre and Direk Joey Reyes. (minsan may mga special guest kami, if feel namin!) Parang fiesta kung maghanda si Paolo sa’min. Marami na, masarap pa! (at libre! ) Maliban kasi sa pagiging aktibo sa entertainment industry, may catering business s’ya ang Buffet Cooks and Caterers. Minsan kami ang unang nakakatikim ng mga bago n’yang isasalang sa menu. (so tama lang talaga na ginawa ko s’yang friend!)
‘Pag natikman mo luto n’ya, iisipin mo, mula ito sa isang chef na nagpakadalubhasa sa Culinary school. Pero hindi s’ya chef, isa lang s’yang mahilig magluto ng masasarap na pagkain. (kaya tawag ko sa kanya Master Paolo!) Paborito kong inihahain n’ya sa’min ‘yung Bulalo. Special request ko ‘yan lagi (bilang makapal fez ko!) Best seller din n’ya ‘yung Tapa, Paella, Cochinillo at sari-sari pang putahe na ‘di ko maisa-isa pangalan kasi napunta na lahat sa t’yan ko! (pumapalakpak pa ako ha habang kumakain!)
Nitong nakaraan inimbitahan n’ya kami sa kanyang bagong venture. Ito ay isang private dining place na tinawag n’yang Five. (wala naman daw kinalaman dito ang TV5 ha!) Syempre nakikain na naman kami! Gumawa s’ya ng special menu para sa grupo naming “Crazy Rich.. Ilustre!” (appetizer palang, pwede nang ulamin!)
“The location of FIVE is our old house, the address being 113 Connecticut St. 1+1+3=5. Also, we are 5 siblings in the family.” Paliwanag ni Paolo. (gusto ko ‘yan may mga meaning meaning!)
Hindi s’ya restaurant na basta-basta ka na lang a-appear dun at o-order. Kailangan mong magpa-reserve at mamili sa kanilang menu. (gora ka lang sa facebook page nila na Five Private Dining!) ‘Pag ok na reservation mo, pagdating mo dun with your friends (isama mo na rin enemies!) naka-ready na ang lugar at mga pagkain. Exclusive na sa inyo ang buong lugar. Maganda rin ang interior design. Pwede ka rin magdalang sarili mong music dahil may paandaran sila dun! (nakakasosyal pero affordable!)
“I have been cooking for family and friends for about 40 years, so it’s like me inviting diners to my home. The homey interiors captures a bit of our old home, and are a bit on the bohemian side. “Pahayag ni Pao. (‘yung konti na lang parang gusto mo dun tumira!)
Ngayong buwan na ito ay nagsisimula na silang tumanggap ng reservation. (actually malapit na maubos slots for this month! )
“All my food items are original recipes inspired by Spanish, Italian, Japanese, Chinese, Korean and Filipino staples with a slight twist. I also offer a variety of fusion paellas.” Pabida ni Paolo. (kulang ‘yung salitang masarap, as in!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITIMG on PSN FB,
12nn-1pm, Tuesdays)
(Twitter/IG: @mrfu_mayganon.
FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB:WTFu . Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )
- Latest






















