^

PSN Showbiz

Maja, ‘di naghinala sa proposal ng mapapangasawa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, after ng announcement nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na engaged na sila, marami pa rin ang curious kung hindi ba nagkaroon ng hint ang aktres tungkol sa proposal ng kanyang fiancé?

Naka-chat ko ang nanay ni Rambo, si Ms. Marilen Nuñez (na kasosyo ng dalawa sa Crown Artist Management, Inc.) at tinanong ko siya tungkol sa bagay na ‘yon.

According to Tita Marilen, wala raw talagang kahina-hinala si Maja na magpo-propose si Rambo that day. “None at all! We integrated it sa Easter egg hunt. Ginawang like Amazing Race and she was a team leader. It wasn’t new to her kasi we did the same thing when we got locked down here, mas binonggahan lang this time.

“We had to create an activity that is not unusual to her kasi mabilis makatunog si Maja kaya the Easter egg hunt was perfect,” tsika ni Tita Marilen.

So, when ang wedding? “We haven’t fully planned yet kung kelan but definitely not this year,” impormasyon pa ng nanay ni Rambo.

Teka! Baka naman sa ibang bansa magpapakasal sina Maja at Rambo? “Wala pa talaga napag-usapan,” sabi pa ni Tita Marilen.

Anyway, sa bahay ni Yanee Alvarez (sister ni Rambo) sa Puerto Princesa, Palawan naganap ang important event na ‘yon sa newly engaged couple!

Mclisse, matagal bago nasundan ang sakaling...

Nag-enjoy ako sa pelikulang Sakaling Maging Tayo ng magdyowang Elisse Joson at McCoy de Leon, kaya naman natuwa ako nang mag-announce ang Vivamax na silang dalawa ang bida sa Habangbuhay.

In fairness, magaling ang McLisse sa pelikulang ‘yon, kaya deserve lang nila na magka-follow-up movie. ‘Yung Habangbuhay nga raw ay perfect follow-up na nag-i-stream pa rin sa Netflix.

Sana sa susunod na movie ng McLisse after nitong Habangbuhay ay makasama na nila ang anak nilang si Felize.

Alam mo, Ateng Salve, cute na cute ako sa baby nina Elisse at McCoy.

In fairness, ang daming followers ni Baby Felize sa social media, huh!

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

MAJA SALVADOR

RAMBO NUñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with