^

PSN Showbiz

KC Montero, yumaman sa Kumu

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
KC Montero, yumaman sa Kumu
Stephanie at KC.

Natawa lang si KC Montero nang sabihin naming hindi na niya kailangang mag-host sa Lunch Out Loud bilang in demand ang Kumu app nila.

Malaking tulong nga ngayon sa mga Pinoy sa abroad na naghahanap ng entertainment ang Kumu kaya ang laki rin ng kinikita nila rito.

Pero walang planong mabitiw si KC sa LOL tulad sa naging desisyon ni Ariel Rivera nang magkaroon sila ng rotation sa programa.

Aniya, masaya siya nasabing trabaho dahil sa naging samahan nila sa LOL na napapanood sa TV5.

Samantala, nabanggit din ni KC nang minsang makausap nga namin sa LOL set visit na hindi pa pala nakukuha ng wife niyang Stephanie Dods ang napanalunang apartment sa reality program na The Apartment : Asia’s Next Big Design Star.

Isa itong reality TV show na pagandahan ng ide-decorate nilang new room each week kung saan naglaban-laban ang mga fashion designer sa Southeast Asia na ginanap noong 2018.

Ang wife din ni KC ay naging Miss Teen New Zealand 2006 and Miss New Zealand 2007.

Nag-aral din ito sa Philippine School of Interior Design.

May isang anak na sina KC and Stephanie.

Anyway, kasamang napapanood sa Kumu ang For Your Entertainment (FYE) channel na kasamang nagpapalawak ng presensya nito sa Pinoy community app na Kumu sa pamamagitan ng mga bagong livestream sa pagluluto, pagsasayaw, edukasyon, at iba pa upang maghatid ng iba’t ibang libangan at kaalaman sa mga manonood.

Sa kasalukuyan ay meron nang 540,000 followers ang FYE at simula ngayong buwan ay magtatampok ng vegan recipes sa Your New VFF (Vegan Filipino Food) kasama ang Astig Vegan na si RG Enriquez-Diez tuwing Martes, 12nn, habang pinagsamang musika at pagluluto naman ang mapapanood sa The Sandok Music kasama ang actress-singer na si Carla Laforteza tuwing Sabado, 12nn.

Nasa FYE Channel na rin ang School at Home block ng Knowledge Channel na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes. Tiyak na kawiwilihan ng mga kabataan ang Wikaharian Online World (Lunes), Learn with Lyqa (Martes), Know­ledge On-The-Go at MathDali LIVE (Miyerkules),  Money Lessons with FQ Mom kasama ang finance guru na si Rose Fres Fausto (Huwebes), at  Art Smart with Teacher Precious (Biyernes).

Meron din silang Club Fifty Five kasama si DJ M.O.D. tuwing Huwebes, 9:30 pm at ang dance tutorial na Tutting kasama si Seth Michael tuwing Biyernes, 2 pm.

Samantala, usapang Adulting 101 naman ang hatid ni Floi Wycoco tuwing Sabado, 10 am, para gabayan ang netizens sa pagiging praktikal at wais sa pera. Maaari namang makinig ang mga pamilya sa mahahalang diskusyon at updates sa Pamilya Talk kasama si Jing Castañeda tuwing Martes at Miyerkules, 4 pm.

 

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with