^

PSN Showbiz

Erich, pina- ‘background check’ ng mapapangasawa?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Erich, pina- �background check� ng mapapangasawa?!
Erich
STAR/ File

Nakaraan ni Sharon, pinag-usapan sa pagkamatay ni Charlie Cojuangco!

Tuloy ang demanda ni Nay Cristy Fermin sa abogado ng isang ‘starlet,’ si Atty. Rafael Calinisan.

Yes tomorrow, Thursday, ang tentative schedule ng kampo ni Nay Cristy na pinangungunahan ng legal counsel niyang si Atty. Ferdie Topacio.

Pero may lumapit na emissary kahapon at nagpaabot ng message na kung puwedeng i-settle out of court ang kung anumang issue sa kanila. “Nag-usap na kami ni Atty. Topacio na within this week ay talagang isasampa na namin ‘yung kaso laban dun sa mga abogado,” say ni Nay Cristy kahapon sa anniversary episode ng digital program na Take It... Per Minute, Me Ganun!?

Paano kung mag-reach out sila, sabihin na kung puwedeng upuan n’yo na lang ‘yung kaso?

“Inaasahan na namin ‘yun pero hindi naman kami batang inagawan ng candy na matapos ibalik ang candy sa amin, tapos na ang kuwento. Kailangan may matutunan tayong leksyon sa kasong ito. Na hindi tayo pabalang-balang ng pagsasalita at hindi natin hinuhusgahan ang tao lalo na at demand letter pa lang ang ipinadadala,” katuwiran ni Nay Cristy matapos nga itong gumamit ang foul languages nang padalhan siya ng demand letter nang banggitin ang ‘starlet’ nitong client sa Cristy Ferminute.

Samantala, chinika naman ni Nay Lolit Solis na may isa siyang alaga na hindi niya binanggit on air ang name na schoolmate ng mapapangasawa ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.

At ang alam niya, pina-background check si Erich noon pa.

Luckily, naging low key raw ang Kapa­milya actress at never nag-mention sa social media ng kanilang relasyon kaya marahil daw ay tanggap na rin ang actress ng pamilya ng mapapangasawa nito.

Balita ngang ikakasal diumano sila sa March 23 base sa marriage banns na posted sa Saint James the Great Parish sa Ayala, Alabang.

Ahh true ba na tracking device ang salarin kaya naghiwalay ang actor at kanyang karelasyon?

May ganun kasing device or mobile app, depende sa gamit mong cellphone.

Pero ito raw si actress, diumano’y nabuko nga ang jowa na may ka-chat na laswaan. Pero hindi sa babae kundi sa mas batang lalaki.

Walang binigay na clue si Mr. Fu kahapon sa TIPMMG kung sino itong magjowa na nag-break dahil nabuko nga diumano ang actor sa pakikipaghalayaan sa kapwa lalaki.

Actually, may kakilala akong ganito. Nadiskubre ni boyfriend na naka-monitor ang bawat galaw niya. Hindi na sinabi ni boyfriend na influential sa girlfriend na na-discover niya ang nasabing style ng jowa. Basta nakipag-split na lang sila noon.

Anyway, kahapon din kumalat ang pagpanaw ni 1st District of Tarlac Congressman Charlie Cojuangco.

Maraming nagulat lalo na nga at kakasal lang nito kay China Jocson na isang dating GMA 7 broadcast journalist, na ginanap noong Oktubre 10. Spotted pa noon sa kasalan sina Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, former actress Ana Roces, Gloria Diaz (na kapatid ng yumaong dating asawa ni Mr. Charlie na si Rio Diaz-Cojuangco). Ginanap ang church wedding sa San Sebastian Cathedral sa Tarlac City habang ang reception naman ay sa Kaisa Hall, Tarlac Plazuela.

Matatandaang unang kinasal ang dalawa sa Huwes noong Abril at bago nito ay nagkaroon sila ng tinatawag na “betrothal ceremony” noong Enero.

Si Mr. Charlie ay may dalawang anak sa yumaong si Rio Diaz-Cojuangco habang si China ay may isang dalagita na.

Na-link ang pangalan ni Mr. Cojuangco kay Sharon Cuneta noon kung saan kuwento ni Nay Cristy na habang nagso-shoo­ting noon si Sharon ng pelikulang Dear Heart ay may chopper na umaaligid-aligid na sakay diumano si Mr. Cojuangco.

Minsan na rin nabanggit ni Ate Shawie ang tungkol sa mga ex niya pero may isang lalaki na tinatawag lang niyang “C.” Naalala ni Sharon na muntik na siyang ma-engage sa “isang Cojuangco.” Tumanggi siyang ibunyag ang pangalan nito, pero naniniwala ang kanyang fans na si Charlie Cojuangco ang tinutukoy ni Megastar na sumama kahapon sa kampanya ng asawa niyang si Vice Presidentiable Kiko Pangilinan at sa Tarlac pa.

Anyway, ‘yan at marami pang iba ang pinag-usapan sa episode 132 ng TIPMMG na napapanood sa digital platforms ng Pilipino Star NGAYON – Facebook and YouTube.

Billy, lumayas na sa LOL!?

Back to Paris si Billy Crawford base sa kanyang post. “I’m back! Bright lights, big city,” ang caption niya sa kanyang photo habang background ang Eiffel Tower.

Maaalalang sumikat nang grabe si Billy sa Europe noon bilang singer pero nang tumamlay ang kanyang career ay bumalik siya ng Pilipinas. At sabi nga, the rest is history.

Pinatatanong lang ng fans kung iiwan na ba niya ang Lunch Out Loud at kung bubuhayin ba niya ang career sa France.

Maymay, nagbanta ng demanda sa nagkakalat na fake ang jowa niyang foreigner

Burado na sa YouTube ang kumalat na vlog na fake / swindler / married man ang karelasyong foreigner ni Maymay Entrata at sinasabing ito ang Mr. Tinder Swindler na bida sa isang docu series sa Netflix.

Tweet ni Maymay : “??FAKE NEWS?? Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po.”

Shimon Heyada Hayut ang pangalan na mas kilalang Simon Leviev ang nasabing bida sa isang docu series kung saan inilahad ng mga ex niya kung paano sila na-swindle nito habang naghahanap ng jowa sa Tinder app. Katuwiran naman ni Mr. Tinder Swindler sa exclusive interview ng Inside Edition na “I am not this monster that everybody has created. I was just a single guy that wanted to meet some girls on Tinder.” Katuwiran niya pa sa Inside Edition interview na “No, I am not, and I never presented myself the son of a billionaire diamond mogul.”

Aaron Haskell ang pangalan diumano’y karelasyon ni Maymay na iflinex niya ang souvenir photo nila na ang caption ay “Happy Birthday my Valentino” noong Feb. 14.

John Lloyd at girlfriend na artist, dinala si Elias sa beach

Burado na kahapon sa IG story ng rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos ang mga photo nila habang nasa beach kasama si Elias na anak ng actor kay Ellen Adarna.

Pero nakitang nag-bonding sila sa beach na may ilang kasamang iba pa.

Nauna  na naming naisulat na low key lang ang girlfriend ni John Lloyd pero grand winner ito sa UT Grand Prix (global t-shirt design competition ng Uniqlo), na ginagawa sa pakikipagtulungan ng Museum of Modern Art (MoMA) last February.

Thirty three years old na si Isabel ayon sa isang relative nito na nagkumpirma ng kanilang relasyon at may mga exhibit na siya as visual artist at na-feature sa 2018 exhibit niya ang winning design sa UT Grand Prix.

Bukod sa pagiging artist, mahilig din sa dog si Isabel base sa mga post niya sa kanyang Instagram account.

vuukle comment

CHARLIE COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with