Thia, hindi na interesado sa pageant

Wala na sa plano ng Kapuso star and former 2018 Miss Eco International na si Thia Thomalla na sumali uli sa beauty pageant kahit maraming nag-e-encourage sa kanya na sumubok uli sa Miss World PH. “Nung 2020 talaga dapat ‘yung comeback ko and sad to say, God has other plans for me. Tanggap ko na ‘yung reason, ‘yung path Niya para sa akin. I’m really happy where I’m at right now,” aniya nang tanungin sa media conference ng First Lady the other day.
Saka aniya, 27 na siya kaya hindi na rin siya puwede. “I’m turning 27 this month, so papunta na sa disqualification age kaya hindi na talaga puwede kaya mag-move on na tayo. Wala na po akong plans,” dagdag niya habang katabi sa Zoom ang former beauty queen din na si Maxine Medina.
PSG Val ang role niya sa dating First Yaya starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez na ngayon nga ay First Lady na.
Kasama siya sa maraming supporting cast ng teleserye na magsisimulang mapanood sa Feb. 14.
- Latest
























