^

PSN Showbiz

Maraming live shows, replay muna!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Maraming live shows, replay muna!
Tutok to Win.

MANILA, Philippines — TIGIL muna ang pag-telecast ng live ang CNN Philippines channel. Sa Facebook page ng network muna ito mapapanood nang live ayon sa announcement sa social media ng CNN.

Mga replay episode naman ang ipinalalabas muna ng Eat Bulaga gayundin ang Tutok To Win dahil may staff na nagpositibo sa COVID-19.

Maging ang live edition ng PSN online show nina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu ay stop muna ayon sa post ng PSN FB page.

Ayon kay Manay Lolit, nag-iingat ang prog­rama lalo na nga at senior sila ni Manay Cristy.

Sa totoo lang, halos lahat na yata ng sikat na personalidad, sa showbiz man o politics, nag-positive sa virus.

Ang latest victim – Senator Kiko Pangilinan at broadcaster Arnold Clavio kahit ingat na ingat sa kanilang kalusugan, huh! Pati international celebritie, tinatamaan ng virus!

Mahigit 30K ang positive sa covid kahapon ayon sa reports. Kaya naman, kailangan ng tripling ingat sa ating kalusugan, dear PSN readers!

Marian balik sa pagnenegosyo

Balik-negosyo na si Marian Rivera matapos matigil ito nang maging judge siya sa nakaraang Miss Universe.

Pero ang una muna niyang inasikaso ang FloraVida home para magamit sa bahay. Wala pang balita kung ire-resume na niya ang kanyang flower business.

Eh sa taas ng Covid cases ngayon, siyempre, mas unang tutukan ni Yan ang asawa’t mga anak, huh!

Mas lalong umiilap ang pagsalang niya sa regular Kapuso series ngayon dahil sa virus!

                                                     

vuukle comment

CNN PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with