^

PSN Showbiz

AJ, may pasabog sa hugas ngayong Enero

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon
AJ, may pasabog sa hugas ngayong Enero
Sean at AJ
STAR/ File

Mula sa malaking tagumpay ng pelikulang Taya, muling inihahandog ng Vivamax ang tambalan nina direktor Roman Perez, Jr., at ang mga nag-iinit na artistang sina Sean de Guzman at AJ Raval sa Hugas.

Ang romantic crime movie na ito ay ipalalabas sa Enero 14, 2022.

Si AJ ay gumaganap bilang si Liezl, isang probinsiyana na ipinasok ng kanyang tiyuhin (Soliman Cruz) sa isang sindikato na pinamumunuan ni Boss Dencio (Jay Manalo).

Nagagawang maigi ni Liezl ang anumang iutos sa kanya, ngunit nang ikasal siya kay Al, gusto nang kumawala ni Liezl sa sindikato.

Si Sean de Guzman ay gumaganap bilang si Al, isang matalinong hitman.

Ito ang dahilan kung bakit siya kinuha ni Boss Dencio. Siya ang inaasahan kung may gustong ipatumba ang sindikato. Dito nakilala ni Al si Liezl, ngunit hindi ito dahilan upang manatili sila sa sindikato.

Gusto na nilang magbagong-buhay at mangyayari lamang ito kung sila’y magpapakalayo.

Bitbit ang malaking halaga ng pera, tumakas ang mag-asawa. Ito na ang simula ng sunud-sunod na komplikasyon dahil hindi sila tatantanan ni Boss Dencio. Kailangang mabawi nito ang pera kahit saan sila makarating.

Maliban sa umaatikabong aksyon, asahan na ang maiinit na tagpo sa pagitan nina Liezl at Al.

Ito ang ikatlong beses na nagkatrabaho sina AJ at Sean.

Bago ang Taya, nagkasama sila sa Nerisa, kaya kumportable na ang dalawa sa love scenes.

Garantisado umanong mag-e-enjoy ang kanilang mga fans sa mga erotikang eksena.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Benj Manalo, Bob Jbeili, Cara Gonzales, at Joko Diaz.

Para mapanood ang Hugas, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Samantala, isa si AJ sa most searched female personalities sa natapos na 2021.

Nasangkot si AJ sa hiwalayang Aljur Abrenica and Kylie Padilla at tinawag siyang kabit ni Barbie Imperial nang dumikit ang pangalan niya kay Diego Loyzaga.

Pero sinabi niya sa isang interview na “I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong.”

Dagdag niya pa : “Ever since naging sila, hindi ko na po sila nakausap na dalawa. Wala po kaming connections, wala po kaming contact,” sa nasabing interview kaya namang mabilis na natapos ang nasabing intriga sa kanila ni Diego na inumpisahan ng isang self-proclaimed influencer.

Nauna na rin niyang itinanggi na may relasyon sila ni Aljur Abrenica. “Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ (Abrenica) at nag-uusap lang naman po kami.” 

vuukle comment

AJ RAVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with