^

PSN Showbiz

Marian, newsmaker ng 2021!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian, newsmaker ng 2021!
Marian
STAR/ File

Happy, happy 2022 sa lahat ng readers ng Pilipino Star NGAYON!

Looking forward tayong lahat sa ngayong bagong taon. Halos iisa lang naman ang hiling nating lahat – matapos na ang pandemic at makabalik na sa normal ang lahat!

Eh kung babalikan natin ang 2021, ang biggest newsmaker of the year ay si Marian Rivera. Ito ay dahil sa pagiging judge niya sa 2021 Miss Universe!

Isang malaking karangalan para sa bansa na maging judge si Yan sa prestigious beauty pageant.  Nagniningning ang simpleng kagandahan niya at forever niya itong iti-treasure.

Eh just like any other past year, same same lang ang news sa ating artista.

May nag-engaged, nagpakasal, nanganak and worst, may mga namatay.

Pagdating naman sa movie industry, kahit paano ay nagbukas na ang mga sinehan kahit matamlay pa ang pasok ng mga tao.

May movie productions na ring gumagawa ng pelikula at may mga bagong TV series na ginagawa.

Nagkaroon din ng lipatan blues mula Kapamilya network to Kapuso netwok – Richard Yap, Bea Alonzo, Beauty Gonzalez, Kim Atienza, direk Jerry Sineneng, Johnny Manahan to name a few. Expect more ngayong taon because everybody needs work!

Let’s all hope and pray na magwakas na ang pandemic upang makabalik na sa normal ang bansa! Basta tuluy-tuloy ang pag-iingat, pag-alaga sa ating kalusugan at araw-araw magdasal at manalig sa Diyos!

Happy, happy new year everyone! Cheers!

vuukle comment

RIVERA

YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with