^

PSN Showbiz

Marimar ni Marian hinihiritan ding ibalik

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marimar ni Marian hinihiritan ding ibalik
Marian
STAR/ File

Nagbubunyi ang DongYan fans nang ilabas ng GMA na magbabalik sa ere ang Pinoy adaptation ng Korean hit drama na Endless Love.

Eh kahit rewind ang series, buhay na buhay na naman ang kanilang dugo sa pananabik na makita sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na umaarteng magkasama.

Eleven years ago nang ipalabas ang Endless Love. Wala pang relas­yon ang DongYan nu’ng panahong ‘yon kung hindi kami nagkakamali.

Hango sa 2000 South Korean drama na Autumn in My Heart ang Endless Love. Ito ang unang installment sa season-themed series na Endless Love.

Bukod kina Dong at Yan, kasama rin nila sa serye sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III at Sandy Andolong.

Sa pagbabalik ng Endless Love, hiyaw naman ng iba pang fans ng mag-asawa, ibalik din sa ere ang pinagbidahang series ni Marian na Marimar at Dyesebel.

Remember, naging big star si Marian nang gawin niya ang Pinoy version ng Mexican novela na Marimar! Tinabunan niya that time ang isang sikat na aktres na unang kinonsidera sa Marimar.

‘Yun nga lang, hindi ito nagawa ng aktres kaya presto! Isinilang ang mas makinang na bituin sa katauhan ni Marian Rivera!

In due time, makakagawa rin ng bagong series si Marian na matagal nang hinihintay ng publiko! Panira kasi sa career ng mga artista ang pandemic, huh!

Muling alalahanin ang tamis ng pag-iibigan nina Dong at Yan kapag umere na ang Endless Love sa GMA Telebabad!         

vuukle comment

MARIMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with