^

PSN Showbiz

Janno at Kitkat, grabe ang away

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janno at Kitkat, grabe ang away
Kitkat

Tinutukan ng karamihang movie press ang Happy Time nina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Kitkat kahapon ng tanghali.

Lumaki na kasi ang isyu ng away nina Janno at Kitkat pagkatapos mag-walk out ni Janno sa taping ng isang episode ng kanilang programa na kung saan guest doon si Marco Sison at naglaro sa isang segment nila.

Sa social media account lang nagbigay ng pahayag sina Janno at Kitkat na sinimulan muna nila sa patutsadahan na post. Noong kamakalawa lang ay pinag-ayos sila ng Net 25 at nagkapatawaran.

Itong Martes ng gabi ay nag-post si Kitkat na nagpatawad na raw siya, na ikinumpara pa niya ang sarili kay Cherry Pie Picache na pinatawad ang taong pumatay sa kanyang ina. Bahagi ng post niyang iyon sa kanyang FB account; “Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na yan kay Kuya Janno. Pero eto inisip ko kausap ko si Lord pano kung mamatay ako bigla di ako papatawarin ni Lord sabihin nya ABA E DI MO NAGAWA PATAWARIN NAGKASALA SAYO BAT KITA TATANGGAPIN... di po bagay sakin pero ganun po talaga kami ng pamilya ko. Kaya pati ang mga tao i spoke for them kasi kako wala silang boses…”

Ganun na ka-OA ang feeling ni Kitkat na tingin ko naman napuno na rin si Janno kaya umabot na sa ganung gulo.

Pero pagkatapos ng post na iyon ni Kitkat, umalma na si Janno.

Nag-post na rin siya sa kanyang IG account na hindi na raw niya palalagpasin ito. Hindi niya nagustuhan ang post na iyon ni Kitkat na tila wala raw itong kasalanan.

Okay na raw na siya na ang nag-sorry kahit hindi rin ito ginawa ni Kitkat. Pero ‘yung parang wala raw kasalanan si Kitkat at si Janno lang ang nagkasala, iyon ang hindi raw niya palalagpasin. Apektado na rin daw kasi ang pamilya niya na nadadamay sa bashing ng netizens.

Bahagi ng post na iyon ni Janno, “Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak na nakakatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang buong katotohanan.”

Sa tingin ko diyan, nagkapatung-patong na at napuno na sila, kaya matindi ang pagsabog. Sana lumabas na lang talaga ang buong katotohanan.

Sana nakarating na rin sa taumbayan ang isyu ng hosts nito para magkaroon ng curiosity sa programang ito na kahapon ay wala pa rin sina Janno at Kitkat.

Pansamantalang pumalit sa dalawa sina Boobsie Wonderland, Mico Aytona at talent ng Eagle Broadcasting Corporation na si CJ Hirro.

Ara, nagsalita sa magarbong kasal

Pinabulaanan ni Ara Mina ang kumalat na kuwentong sobrang magarbo ang kasal nila ng PITC Undersecretary Dave Almarinez.

Naka-text namin ang aktres kamakalawa lang at itinatanggi niya ang kumalat na kuwentong umabot ng P10K per plate ang ihahanda nila sa reception ng kasal. “Walang katotohanan ‘yun. In fact, wala pa kaming napa-finalize sa wedding at dun sa reception,” bahagi ng text sa akin ni Ara.

May ilang bumatikos sa magkasintahan dahil kung totoo mang ganun kamahal ang ihahanda sa kasal, hindi nga naman nararapat sa panahon ng pandemya. Hindi raw totoo ‘yun sabi ni Ara at hindi pa niya makumpirma kung sa April na nga naka-schedule ang kasal. Sabi lang niya sa text na ipinadala sa akin, “Kung ano ang makakaya namin. Isang beses lang ako ikakasal kaya maayos naman somehow.

Aligaga nga si Ara sa pag-asikaso sa preparation ng wedding dahil babalik na siya ngayon sa lock-in taping ng Ang Probinsyano.

Aktres na sumailalim sa surrogacy, susunduin na ang baby sa abroad

Sa kabila ng mga away-away at ilang isyung pinag-uusapan, meron pa tayong aabangang kuwentong lalabas isa sa mga araw na ito.

Isang aktres na nasa early 50s ay umalis ng bansa para sunduin daw ang baby niya na dumaan sa proseso ng surrogacy. Matagal na rin namang hangad ni aktres na magka-baby pero hindi siya pinalad. Pero nabanggit niya noon na nagkasundo na raw sila ng partner niya na magka-baby via surrogacy pero hindi pa nila ibinahagi sa publiko na sinubukan na pala nila. Successful ang proseso dahil susunduin na raw ang baby niya sa bansang binuo ang kanyang anak.

Marami na ang gumawa ng ganung proseso. Sana nga ibabahagi naman ito ni aktres pagkabalik niya dala ang kanyang baby.

Abangan natin yan.

vuukle comment

JANNO GIBBS

KITKAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with