^

PSN Showbiz

Romnick, anim na ang anak

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Romnick, anim na ang anak
VinJakeRomnick at Barbara
STAR/ File

May bagong baby na si Romnick Sarmenta, at iyon ay nalaman dahil sa ini-repost niyang social media post ng kanyang girlfriend na si Barbara Ruaro. Halos umabot daw ng 24 oras na nag-labor si Barbara bago siya nakapanganak. Pero malihim sila. Ni hindi sinabi kung lalaki o babae ang kanilang anak.

Siguro nga umiiwas kasi sila sa intriga. Dalaga si Barbara, pero si Romnick ay kasal sa dati niyang asawang si Harlene Bautista, at kahit na sabihing nagkasundo na silang magkaroon ng kanya-kanyang buhay, at si Harlene ay may love life na rin, hindi pa lumalabas ang annulment ng kanilang kasal.

Lima ang anak nila.

Derek at Ellen unti-unti na ang pagla­ladlad

Noong unang magkaroon ng tsismis na diumano ay nagde-date sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, hindi man nila ikinaila ay iniwasan nilang mapag-usapan iyon. Pero ngayon, parang iba na yata ang sitwasyon dahil si Derek pa mismo ang naglabas sa kanyang social media account na si Ellen, kasama ng anak niya kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto, ay nag-celebrate ng Valentine’s day kasama naman si Derek at ang kanyang pamilya.

Maaari ngang palusutin na iyon ay karaniwang gathering lamang at nataon lang na Valentine’s day, kasi nga bakit kasama pa ni Ellen ang kanyang anak, at si Derek naman kasama ang kanyang buong pamilya. Pero may nagsasabi nga na maaaring iyon na ang simula, dahil si Derek, kung may girlfriend man, talagang ipinakikilala niya sa pamilya niya.

Pero kung iisipin naman, kahit na sabihing may relasyon na sina Derek at Ellen, wala namang sagabal eh. Wala namang pinakasalan si Ellen sino man sa mga naging boyfriend niya. May anak siya kay John Lloyd pero hindi rin naman sila kasal.

Si Derek naman ay nagpakasal noon sa ina ng kanyang anak na si Austin,  si Mary Christine Jolly, pero mukhang wala pa man ang annulment, nagkasundo na yata sila sa husgado na pareho na silang gustong ideklarang null and void ang kanilang kasal, kaya wala nang problema.

Hindi naman sa pinangungunahan natin sila. Hindi pa naman sila umaamin na magsyota na nga sila. Nagkataon lang na sila ang magkasama noong nakaraang Valentine’s day. Ang sinasabi lang namin, kung ganoon nga ay wala naman siguro silang magiging problema.

Masasabi rin siguro nating iyang sina Derek at Ellen ay magkaparehong hindi pa nakakatagpo ng isang maaari nilang mahalin at makakasama sa habambuhay.

Nang makasama ni Ellen si John Lloyd, akala namin iyon na iyon. Dahil isipin nga ninyo, tinalikuran ni John Lloyd ang kanyang career at ang nakagisnang buhay, at kahit na nagkaanak na sila ay hindi pa rin pala. Si Derek naman, noong makasama si Andrea Torres, akala namin ay tapos na ang kanyang paghahanap, iyon pala ay hindi pa rin.

Magkarelasyong celebrity na nagtatago, magdadalawa na ang anak

Baka mapilitan na ring umamin ang isang female star at isang male star ng totoo nilang relasyon. Itinatago kasi nila iyon pati na ang kanilang unang anak dahil sa kagustuhan ng manager ng actor na ganoon ang gawin dahil makakasira raw iyon sa magandang takbo ng kanyang career.

Pero ngayong sinasabing malapit nang maging dalawa ang kanilang anak, baka mapilitan na silang aminin iyon. Hindi naman nila magagawang itago iyan sa habang panahon, lalo na nga’t nadadagdagan na ang kanilang anak.

Hindi naman siguro makasisira sa popularidad ng actor kung malaman man ng publiko na may anak na siya. Ang dami namang mga artistang lalaki na tatay na rin pero hindi naman nasira. Isa pa, hindi naman siya matinee idol talaga. Isipin din nila, unfair doon sa bata na wala namang kasalanan na itago mo siya sa mundo bilang anak mo.

Baka masaktan ka rin kung ikaila niyang ikaw ang magulang niya pagdating ng araw.

vuukle comment

BARBARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with