^

PSN Showbiz

Assunta, nanganak na sa miracle baby!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Assunta, nanganak na sa miracle baby!
Assunta

Ang saya-saya lang, Ateng Salve, dahil certified mother na si Assunta de Rossi!

Yesterday morning nga nang ipanganak ng aktres si Giulia Fiorentina Alessandra o Baby Fiore.

Sa isang hospital sa Makati City nanganak si Assunta at nadalaw na siya ng mister na si Jules Ledesma.

Magka-text kami ng nanay ni Assunta, si Mommy Nenita Schiavone na based sa Martano, Italy.

So, kumusta ang bagong lola? “Heto, puyat. Lahat kami naka-monitor kay Sam (tawag nila kay Assunta). Sobrang tuwa. Ang saya!” sabi ni Mommy Nenita.

Madaling araw kasi ang oras sa Italy nang manganak si Assunta dito sa Philippines.

Gustung-gusto ni Mommy Nenita na makita ang apo niyang si Baby Fiore, pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, ang hirap bumiyahe ngayon.

“Sana next year puwede na,” sabi ni Mommy Nenita.

Ang ganda ni Baby Fiore sa picture na ipinadala sa akin ni Assunta, pero ang sabi niya, magpapadala siya ng puwedeng i-publish na picture ng anak nila ni Jules.

To Assunta and Jules, congratulations sa pagdating sa buhay ninyo ni Baby Fiore!

Erik, inaliw si Angeline

May sakit pa rin ang nanay ni Angeline Quinto, kaya naman ang panalangin niya ay ang tulu­yang gumaling na ang kanyang Mama Bob.

Palagi ngang malungkot si Angeline, pero tuloy pa rin naman ang trabaho niya.

Noong isang araw sa taping ng ASAP Natin ‘To ay ang lungkut-lungkot sa backstage ng singer/actress pero napatawa siya dahil habang may nagpo-production number ay sumayaw-sayaw si Erik Santos at naaliw nga si Angeline.

Samantala, bukod sa ASAP Natin ‘To ay nakapag-taping na rin si Angeline para sa I Can See Your Voice na iniho-host pa rin ni Luis Manzano (nanatili siya sa ABS-CBN kahit natsikang lilipat daw sa TV5).

Anyway, kapag nakaka-chat ko si Angeline ay sinasabi ko sa kanya na palagi kong pinagdarasal ang kanyang Mama Bob.

‘Yun na!

vuukle comment

ASSUNTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with