^

PSN Showbiz

Jaya, positibo sa nagaganap na krisis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jaya, positibo sa nagaganap na krisis
Jaya

Nananatiling positibo ang pananaw ni Jaya sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019.

Maraming mga bagay ang natutunan ng singer dahil sa mga nararanasan ngayong ipinatutupad pa ang enhanced community quarantine. “When you are so used to living a certain way and that gets taken from you, it really shows your true character, who you are, what are you going to do in times of this kind of crisis and how will you get out of it na hindi ka naloloka. Kasi unti-unti nag-iiba ang karakter ng tao kapag mayroong pinagdadaanan. This is the moment that I realize God gave me the family that I have and God put me in the position now where mayroon akong Cornerstone family because He knew that at the time this is going to happen kailangan ko ng solid na panghahawakan because He knows me from even before I was born,” paglalahad ni Jaya.

Mas nakikita ngayon ng singer ang kahalagahan ng mga nagyayari sa kasalukuyan at ang magandang epekto nito sa bawat isa. “Hindi ko nakikitaan ng masama ‘yung pangyayari. Nakikita ko kung ano ang nangyayaring positive. It does restructure you mentally, spiritually. Kaya nga sabi ko after this maraming tao na maka-realize that life isn’t all about the past. It’s really all about now. Spend time with my children, my husband,” makahulugang pahayag niya.

KZ, na-realize na mas importante ang pamilya kesa pera

Aminado si KZ Tandingan na talagang pinahahalagahan niya ang trabaho para sa kanyang kinabukasan.

Mahigit isang buwan nang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon kaya naman talagang naninibago raw ang dalaga ngayon. “Parang magkakasakit ako kapag di ako nagwo-work sa isang week. Hindi ba ang trabaho natin ay hindi stable? So hanggang may nakukuha akong trabaho, I always make sure na tatanggapin ko siya hanggang kaya ko. Kaya palagi kong sinasabi buti na ‘yung ngarag kaysa nganga. Work lang ako nang work hanggang mayroon,” nakangiting pahayag ni KZ.

Dahil sa kabi-kabilang trabaho na ginagawa ay nagkukulang na sa oras ang singer para sa kanyang mga mahal sa buhay. “Nakakalimutan ko pala na mas mag-spend ng time, kausapin ang family ko. Minsan kami ni TJ (Monterde, fiancé ni KZ) di kami nagkakaroon talaga ng time na nakakapag-usap nang seryoso sa mga bagay-bagay,” pagbabahagi niya.

Para kay KZ ay mas kailangang pahalagahan dapat ang mga panahon na nakakasama at nakakausap ang pamilya at mga kaibigan. “Na-remind ako na sa mga ganitong panahon, the most important things are those that can’t be bought with money talaga. Ngayon ka nare-remind na hindi rin pala masyado maganda ‘yung masyado kang forward thinker kasi nakakalimutan mo na i-enjoy ang present. Ngayon ko siya nare-realize na whatever I earned, hindi ko naman nagagamit today. Masaya pala ako na nakakausap ko ‘yung mga tao na importante sa akin. Mas importante pala ‘yon for me than the money I’m earning. Siyempre importante ‘yon, pero iba pala ang yaman ng pamilya at mga kaibigan,” paliwanag ng singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with