^

PSN Showbiz

Dimples sinigurong ASF-safe ang ini-endorse na ham

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dimples sinigurong ASF-safe ang ini-endorse na ham
Dimples

MANILA, Philippines — Wow, bongga talaga ang career ni Dimples Romana aka Daniela Mondragon ng Kadenang Ginto.

One after another ang launching ng bago niyang endorsement.

Kaya naman tiyak na masaya ang Pasko ng pamilya niya kahit malamig na ang simoy ng hangin, kaliwa’t kanan na ang mga kumukutitap na dekorasyon, at abala na ang mga tao sa pamimili ng regalo.

‘Yup magiging visible si Dimple sa mga Pinoy na naghahanda ng kanilang pang-Noche Buena para mas maging memorable ang salu-salo sa pagsalubong sa isa sa pinakamasayang araw ng taon.

Ang aktres lang naman ang pinakabagong brand Ambassador for CDO Premium Holiday Ham. “Hindi buo ang Christmas handa namin kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham. Yung salo-salo na sama- sama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there.”

Bahagi na raw ito ng tradisyon na kanyang kinalakihan, na patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya.

Kung titingnan ang kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena.

“We make it a point that no matter how busy we are [to be together],” sabi ni Dimples.

Kuwento pa ng actress, every year daw sinisiguro nila na may tema pa ang kanilang pagdiriwang sa Noche Buena. “Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago, yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”

Hindi rin daw masyadong mapili si Dimples pagdating sa kung anong ibibigay niya sa kanyang pamilya.

Sa kabilang banda, siniguro naman ng Kapamilya actress na ASF-safe ito dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier! Hindi rin daw sila gumagamit ng extender. 

Certified foodie rin ang actress kaya naman choosy daw siya sa mga ini-endorse. “Hindi ko alam if it’s the Kapampangan in me, bukod sa masarap akong magluto, masarap din akong kumain.”

 

vuukle comment

DIMPLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with