^

PSN Showbiz

Bf ng aktres natakot sa kanyang third eye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa naman ang dahilan ng paghihiwalay ng isang aktres sa boyfriend niyang hindi nga taga-showbiz, pero sikat at daig pa ang artista sa kasikatan sa rami nang nakakakilala sa kanya.

Kaya raw hiniwalayan ng taong ito ang nakarelasyong aktres ay dahil natakot sa mga nakikita ng aktres na hindi naman niya nakikita. Every time raw na magkasama ang dalawa, may sinasabi ang aktres na may tao sa tabi niya, paulit-ulit yatang sinabi ng aktres ‘yun, natakot ang BF, kaya nag-decide na putulin ang kanilang relasyon.

Wala lang umaamin sa dalawa na nagkaroon sila ng relasyon, kaya mahirap silang paaminin lalo na ang pag-usapan ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Daddy Mike na-cremate na

Napanood namin ang IG Live ni Claudine Barretto sa room na pinaglagakan ng amang si Miguel Barretto noong burol nito. After the cremation na yata ang IG Live ni Claudine dahil wala na kaming nakitang kabaong at parang may hinahalikan si Mommy na parang urn.

Nakita rin namin si Claudine nang yumakap sa isang guy na hindi makita ang mukha at ang pagyakap niya sa kapatid niyang babae. Ibig sabihin, present si Claudine sa cremation ng ama at pagkatapos ng cremation.

May lumabas kasing balita na hindi pinapasok si Claudine nina Marjorie Barretto at mga anak na sina Julia at Claudia Barretto after magkagulo sina Marjorie at Gretchen Barretto at pagkatapos yatang maospital ni Claudine.

Na-cremate na si Mr. Miguel Barretto, ituloy pa kaya ni Marjorie ang ipinangakong tell-all na inaabangan mula nang i-post na for sure, sasagutin ni Gretchen? In fact, nagpa-sample na nga si Gretchen, prineempt nito ang kapatid.

May maganda rin namang nangyari sa pagpanaw ni Mr. Barretto at ito ay ang muli niyang pagtawag ng “Mom” and “Dad” sa parents niya.

vuukle comment

THIRD EYE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with