^

PSN Showbiz

Elaine instant yaman sa TNT

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Elaine instant yaman sa TNT
Elaine Duran

MANILA, Philippines — Ang bente anyos na si Elaine Duran ng Butuan City, Agusan del Norte ang nagwagi bilang pinakabago at ikatlong grand champion ng Tawag ng Tanghalan sa grand finals ng pinakamalaking singing competition sa bansa sa  It’s Showtime noong Sabado (Setyembre 28).

Sinelyuhan ni Elaine ang panalo niya sa huling round kung saan inawit niya ang isang medley ng mga kanta ni Basil Valdez na Saan Ka Man Naroroon, Sana ay Ikaw na Nga, at Ngayon at Kailanman. Dahil dito, siya ang nakakuha ng pinakamataas na combined average score na 41.18% mula sa madlang people votes at hurado scores.

Bilang ang pinakabagong Tawag ng Tanghalan grand champion, instant yaman na si Elaine.

Bago pa man ang grand finals, gumawa na ng kasaysayan sa Elaine sa noontime singing competition nang tanghalin siyang kauna-unahang  TNT record holder, isang contestant na naging defen­ding champion sa sampung sunod-sunod na araw.

 

vuukle comment

ELAINE DURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with