^

PSN Showbiz

Jin ng CEBU, unang Ultimate Bidaman

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jin ng CEBU, unang Ultimate Bidaman
Jin Macapagal

Si Jin Macapagal ng Cebu ang pinakanakitaan ng potensyal na susunod sa yapak ng kanyang mga iniidolong artista matapos siyang tanghaling Ultimate Bidaman sa Bidaman: The Big Break grand finale ng It’s Showtime noong Sabado (Agosto 10).

Si Jin, 24, ang namayagpag laban sa 11 na iba pang grand finalists sa iba’t ibang challenges na sinubok ang kanilang kakayahan sa pag-arte, koneksyon sa audience at stage presence.

Sinelyuhan ni Jin ang pwesto niya sa kumpetisyon matapos niyang makakuha ng average score na 8.9 sa huling “The Spotlight” challenge kung saan kinailangan nilang umarte nang mag-isa gamit ang kanilang sariling piyesa. Tinalo niya ang kapwa top 3 contenders na sina Eris Aragoza (8.6) at Jiro Custodio (8.3).

Dahil sa kanyang performance at looks, tinawag siya ng huradong si Edu Manzano na “young Rico Yan.”

Ibinida rin ni Jin ang husay niya sa pakikipagsabayan sa aktingan kasama ang isang leading lady sa “Matinee Matibay” challenge, kung saan nakaeksena niya ang aktres na si Jane Oineza. Ipinamalas din ni Jin, na isang physical therapy graduate, ang galing niya sa pagsayaw sa unang “Bida Moves” challenge.

Bilang Ultimate Bidaman, wagi si Jin ng P1 milyon, isang management at movie contract sa ABS-CBN, isang bagong pick-up truck mula sa SsangYong, house and lot mula sa Lumina, at role sa MMFF movie nina Anne Curtis at Vice Ganda.

Nakakuha naman ng tig-P100,000 ang runners-up na sina Eris at Jiro, samantalang nanalo ng tig-P20,000 ang iba pang grand finalists.

Kasama sa mga huradong kumilatis sa Bidaman grand finalists sina Angel Locsin, Nadine Lustre, Joshua Garcia, Ian Veneracion, Edu Manzano, ABS-CBN TV production narrative head Ruel Ba­yani, at ang head hurado at It’s Showtime director na si Bobet Vidanes.

 Maraming netizens naman ang sumubaybay sa pagkapanalo ni Jin at tagisan ng grand finalists dahil nag-trend sa buong mundo at sa Pilipinas ang hashtag na #BidamanTheBigBreak sa Twitter.

Abangan ng mga manonood ang bagong segment na Mr. Q & A ng It’s Showtime, tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).

vuukle comment

JIN MACAPAGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with