^

PSN Showbiz

Derek binitbit si Andrea sa Shanghai

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Derek binitbit si Andrea sa Shanghai
Derek at Andrea

May bagong video na in-update si Derek Ramsay sa stay nila sa Shanghai ni Andrea Torres and this time, nagdi-dinner sila. Sabi ni Derek, after the game na ‘yun and “time to eat with this one.”

“This one” ang tawag ni Derek kay Andrea na nagtago muna sa menu saka inilabas ang mga mata nang ipakita ni Derek kung sino ang kasama niya. Pinansin din ni Derek ang suot na t-shirt ni Andrea na nakasulat ang Dunkin Donuts na ini-endorse ni Derek, kaya alam na kung kanino ito galing.

Kahit may kontra, mas marami ang kinikilig na maging real couple ang mga bida ng Afternoon Prime ng GMA-7 na The Better Woman dahil bagay daw ang dalawa at oozing with sex appeal kapag nasa screen sila.

Nakakatawa nga dahil noong pasakay palang sila ng eroplano at nasa airport pa lang, gustong malaman kung magka-holding hands ang dalawa habang naglalakad.

Kapag magka-holding hands, patunay daw ‘yun na in a relationship na sina Andrea at Derek. Isa pang gustong malaman ng netizens ay kung sina Derek at Andrea lang ang lumipad pa-Shanghai na para pala sa Frisbee completion ni Derek.

Imagine, sa rami ng close na babae kay Derek, si Andrea na bago pa lang niyang nakilala ang isinama sa isa sa important sports event sa buhay niya!

Joshua umaming takot kay Julia

Natuwa ang fans nina Julia Barretto at Joshua Garcia nang ilabas ni Julia sa IG Story ang message ni Joshua na words of encouragement.  Sabi kasi ni Joshua, “Malalampasan mo yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh:)”

Sumagot si Julia ng “Loko loko! @garciajushuae” at “This guy knows how to find humor in everything.”

Kahit mararamdaman na wala ng romantic relationship ang convo ng dalawa at obvious na hindi na madalas magkita, at least, may care pa rin sila sa isa’t isa. Saka, timing ang message ni Joshua kay Julia dahil sa bagong lumabas na isyu naman kina Julia at Gerald Anderson na mabuti at nilinaw agad ni Marjorie Barretto.

Dahil nga sa isyung magkasama sa isang hotel sa Subic sina Jullia at Ge­rald, binuksan ni Marjorie ang naka-disable niyang Instagram (IG). It turned out na shooting ng Between Maybes kaya nasa iisang hotel ang dalawa.

Arjo binura ang picture nila ni Maine

Nagtataka ang shippers sa love team nina Maine Mendoza at Arjo Atayde kung bakit binura ni Arjo ang caption niya sa photo nila ni Maine na nakasuot sila ng helmet dahil sa motorsiklo ni Arjo sila sumakay papuntang MOA para mahabol ang concert ng Lany.

Dalawang photos nina Arjo at Maine ang lumitaw sa online at ang isa ay nasa loob sila ng MOA at nanonood na ng concert. In fairness, wala kaming nabasang comment na edited at photo shop ang dalawang litrato at tanggap na yata ng ilang nagdududang fans na legit ang pictures.

Anyway, sabi ni Rams David, manager ni Maine, malapit nang simulan nina Maine at Carlo Aquino ang shooting ng kanilang pelikulang Isa Pa With Feelings na co-produced ng APT Entertainment at Blacksheep.

vuukle comment

DEREK RAMSAY AND ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with