^

PSN Showbiz

Spiderman namamayagpag!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Spiderman namamayagpag!
Spider-Man: Far From Home

SCENE: Kinumpirma ng isang singer-actor na nakakatanggap siya ng mga tawag sa telepono mula sa kanyang mga kaibigan na singer na nag-aalala sa magiging kapalaran ng television network na pinaglilingkuran nila.

SEEN: Advance birthday gift kay Eugene Domingo ang streaming ng Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken sa IWant simula sa July 17, 2019. Ipagdiriwang ni Eugene sa July 23 ang kanyang 48th birthday sa Italy kaya nag-advance taping na siya para sa mga episode ng Dear Uge, ang comedy anthology niya sa GMA-7.

SCENE: Bukas, July 7, ang launch ng official full trailer ng Mina-Anud, ang Regal Films Entertainment movie na base sa mga tunay na pangyayari ang kuwento. Mga bida sa Mina-Anud sina Dennis Trillo, Jerald Napoles at may special participation si Matteo Guidicelli. Hindi pa contract star si Matteo ng Viva Artists Agency nang gawin niya ang Mina-Anud.

SEEN: Ang video ng cover version ni Yasmien Kurdi sa I Know, ang kanyang hit song noong 2005. Mas may emosyon ang cover version ni Yasmien dahil nakatulong ang mga karanasan na pinagdaanan niya bilang anak, asawa at ina.

SCENE: Kabado ang Final 14 ng Starstruck Season 7dahil dalawa ( isang babae at isang lalake) sa kanila ang magpapaalam bukas, July 7, sa elimination round  at papalitan ng Starstruck hopefuls na pipiliin sa pamamagitan ng combined votes ng Starstruck Council at ng viewers ng reality-based artista search ng GMA-7

SEEN: Ang public apology ng isang radio personality na naglabas ng libelous news tungkol kay Liza Soberano. Parang maamo na tupa ang radio personality habang humihingi ng tawad at nanganganib na mawalan ng programa dahil sa kanyang padalus-dalos at walang basehan na paninira laban kay Liza.

SCENE: Namamayagpag dahil pinipilahan sa halos lahat ng mga sinehan sa Metro Manila ang Spider-Man: Far From Home na hindi tinapatan ng mga local movie.

SEEN: Kahit nabigyan ng extension ang showing sa mga sinehan dahil sa good reviews, hindi umabot sa P50 million ang box office gross ng critically-acclaimed movie na Quezon’s Game.

vuukle comment

SPIDER-MAN: FAR FROM HOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with