^

PSN Showbiz

Gaya-gaya? Nadine itinangging kinokopya ang ex-gf ni James

James Relativo - Philstar.com
Gaya-gaya? Nadine itinangging kinokopya ang ex-gf ni James
Parehong nagpost ng magkahawig na ayos at pananamit ang dalawa noong ika-17 ng Pebrero.
Instagram/Ericka Villongco and Nadine Lustre

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng singer-actress na si Nadine Lustre ang alegasyong ginagaya niya diumano ang estilo ni Ericka Villongco, ex-girlfriend ng nobyong si James Reid.

Kaugnay ng isyu, sinabi ni Nadine sa ulat ng Pep.ph na meron siyang sariling style at hindi basta-basta nangongopya ng iba.

"I think I have my own style and I look for inspiration, like from other celebrities—Hollywood celebrities," sabi ng 25-anyos na artista.

Una na kasing inihahambing ng ilang netizens ang itsura ni Nadine sa mga nakaraang posts ni Ericka.

"And I think I have my own individuality naman so I don’t see anything na parang... na parang kokopyahin ko," dagdag niya.

Sa mga nakaraang paskil kasi ni Ericka sa Instagram, kapansin-kapansin na may pinatatamaan siyang nanggagaya diumano sa kanya.

Ang hinala tuloy ng iba, patutsada ito sa offscreen at onscreen sweetheart ni James.

"b*tch i’m gleaming ? these rumors i’ve been hearing are annoying affff, hate to bring up this ???? again but its still not okay to completely copy someone else's style," sabi ni Ericka, na isa ring singer kasama ang kapatid na si Krissy Villongco.

Dagdag niya, okay lang naman na ma-inspire ng iba pero ibang usapan na raw kung tuluyan nang babaguhin ang sarili para gayahin ang lahat sa ibang tao.

"when you copy an art style you pretend to have, you lose yourself," kanyang paliwanag.

Tila hindi na natapos ang isyu sa pagitan ng dalawang kampo bagama't nakabase na sa Estados Unidos si Ericka.

Noong ika-17 naman ng Pebrero, makikitang nagpost ang dalawa ng litratong halos magkahawig ang ayos at outfit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Naddie ???? (@nadine) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ericka reneé (@erickaxx) on

Hindi man klaro kung sinadya ito ng magkabilang kampo, 'di naman nakaligtas sa pambubusisi ng fans ang animo'y pasaring ni Ericka kay Nadine.

Maanghang ang naging caption ng ex ni James sa nasabing paskil: "who is she? ???? bangs from @insertnamehere."

vuukle comment

ERICKA VILLONGCO

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with