^

PSN Showbiz

Jake at Inah tamis-tamisan sa IG

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jake at Inah tamis-tamisan sa IG
Inah

Pina-plug na ng GMA-7 na last three weeks na lang ng Afternoon Prime na Ika-5 Utos at malalaman na ng sumusubaybay nito kung paano magtatapos ang story.

Second drama series na ito ng couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen. Kung pagbibigyan ng network ang request ng ka­nilang fans, rom-com naman ang project ng dalawa, ‘yung walang iyakan at ngingiti at kikiligin sila habang nanonood.

Samantala, nagpa-sample sina Jake at Inah ng kanilang sweetness sa convo nila sa Instagram (IG) ni Inah. Nag-post kasi ang aktres ng photo niya at nag-comment si Jake kung pwede siyang manligaw na sinagot ni Inah ng “Opo” at sinundan pa ni Jake ng tanong na “Pwede bang tayo na lang” at check ang sagot ni Inah. May post pa si Jake na “Huwag kang magsawa mahalin ako dito lang ako lagi para sayo.”

Ang wish ng fans, hindi na mag-break sina Jake at Inah at sa altar magtapos ang kanilang relasyon. In fairness kay Jake, hindi ito natakot kay John Estrada at talagang niligawan talaga si Inah.

EA at Shaira, pinagbabawalang isapubliko ang relasyon?!

Kasama sa cast ng The Dragon Lady si Edgar Allan Guzman na si Arnold Vegafria na pala ang manager. Makakasama ni Edgar sina Tom Rodriguez, Janine Gutierrez at Joyce Ching sa story na tungkol sa mga Chinese.

Very happy si Edgar sa first project niya for 2019 at pinasalamatan ang bagong manager, ang kasama sa cast at ang GMA Network.

May nag-aakalang may kinalaman ang GF ni Edgar na si Shaira Diaz sa paglipat niya sa management ni Arnold at iwan ang matagal na niyang manager na si Noel Ferrer. Hindi kasi maamin ng dalawa ang relasyon nila at pinalabas pang break na sila kahit ang totoo, very much on pa rin sila. Hindi rin magawang magpakita in public sina Edgar at Shaira dahil bawal.

vuukle comment

INAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with